Angel Advincula - Tayong Dalawa
Song producer/writer/performer: Angel Advincula Beat by: Unknown Entertainment **For talent showcasing only, not intended to sell in any ways** For collaborations, email azraeladvincula@ymail.com. Also visit: .youtube.com/aadvincula531 OR SoulDefy204
Isa ko sa mga miyembro ng BigDeal Productions. Nagpapalawak ng kaalaman sa larong ito. Hindi ko buhay ang pagrarap, dito ko lang nilalabas laman ng utak ko. Nag
Lyrics
(Pagpasensyahan ang boses, di ako singer.)
Intro:
Minsan, sa pagibig ay kaylangan masaktan
dyan lang malalaman kung tunay ang nararamdaman
Sadyang, kay hirap ang magmahal ng lubos
ngunit sulit ang bawat pagtuos
Chorus:
Nung unang nakilala ka
Ligaya lang ang nadama
Puso ko'y bumubulong
hindi kayang, mawala ka pa
paghawak ko
sa iyong mga kamay
handang mangako na
mamahalin kita ng lubos
Verse:
Tandang tanda ko pa nuon kapag nakikita kita
puso koy tumatalon at di ko toh makalma
madinig lang ang yong boses ay pinapangarap ko
Makayakap ka sa tuwina ay hiling ko yan sayo
Ako pala'y mahal mo din, bakit pa nagkahiyaan?
Ngayong kasama ka, Hindi na pwede na bitawan
Ikaw aking habang buhay, hanggang humihinga
ang pagibig ko sayo ay di na nagpapahinga
Kung sa twina man ay minsan di nagkakaintindihan
Maaayus natin toh/ basta't ikaw ay nandyan
Marami sayo ang kumukuwa saking kamay
pero di nila makaya dahil saating taglay
na pagibig na matibay, at tiwalang kay tatag
Sa buong mundo Mahal kita aking papahayag
Tanging tayong dalawa, laban sa mundong ito, ikaw lang at ako
Bridge:
Sa pagibig natin ay merong hahadlang
ngunit kakayanin nating lampasan
bastat ikaw ang kasama
mawawala ang problema
walang iba, kundi ikaw
Chorus:
Nung unang nakilala ka
Ligaya lang ang nadama
Puso ko'y bumubulong
hindi kayang, mawala ka pa
paghawak ko
sa iyong mga kamay
handang mangako na
mamahalin kita ng lubos
Comments
The artist currently doesn't allow comments.