Nandito nanaman
Muling nagbabalik
Sa’yong mga yakap at halik
Di rin maintindihan
Kung bakit parating
Sa’yo’y nananabik
Heto at naghihintay
Halos hindi mapalagay
Dahil konting oras lang
Ay aking maipapadamang
Hinding hindi ka na muling luluha
Sandal ka lang sa akin at sumama
At pag ika’y aking nahagkan
Baka mawili
Di na kita pakawalan
Dahil pag ikaw ay naglalambing
Napapatigil
Wala nang ibang gustong gawin
Para buong gabi
tayong magkatabi
Muli kong madama ang iyong yakap at halik