Huwag mo na akong pasayahin
Huwag mo na akong bola-bolahin pa
'di ka na kailangan pang magsinungaling
Wala nang ililihim dahil alam ko na
At sana lang, ay huwag mo nang gawan ng paraan
Magpapagod ka lang
Pilitin ko man
Ang dating kay sarap ngayon ay 'di ko na nararamdaman
Huwag mo na akong pangitiin
Kung dati masaya ngayon wala nang halaga
Ang pagsuyo mo'y wala na ring dating
Itigil mo na lang dahil nakapapagod na
Alam mo naman
Kung gaano kadali akong masaktan
Sabihin mo na lang
Sa 'yong palagay
Ang damdaming nasugatan ay makakapagpatawad pa ba?
Kaya mo bang mag-pasintabi kung sa puso'y may kahati kang iba?
Kaya mo rin bang magpanggap? Pigilian mo ang pagiyak?
Habang dahandahan kang sinasaktan
Kung sa'yo ay may kaagaw
Puso mo'y biglang manakaw ng iba
Kung ako'y mapapikit
Piliin mo'ng huwag bumalik
Pakiusap ko lang ay manghingi ka naman...
...konting pasintabi man lang