IKAW (Part 2)
Ako ay nagkakamali dahil tao lang ako
pero sino bang hinde wala namang perpektong tao
na katulad mo sinta sa aking paningin
ikaw ang pinaka magandang bagay na dumating
at nangyari sa aking buhay alam mo ba yon
ikaw ang dahilan ng aking pagkatao ngayon
nagbago ang lahat sa akin ng ikaw ay makilala ko
di na rin kita maalis pati sa alaala ko
hanggang ngayon kahit ilang taon pa mang lumipas
di pa rin kita malimot pilitin ko mang umiwas
ano ba naman kasi ang sikreto mo ha
at ano ba ang meron ka na wala sa iba
pagkat isang tingin mo lang parang nasa heaven
ang dating lalo ng mga halik mo saken
ang mga sulyap mo na nakaka kilig
at ang mga kindat mo na saki'y nagpapanginig
dahil nakakabilib ang kabaitan mong taglay
kaya pala ang puso ko agad sayo napalagay
minsan na ako nagmahal pero ako'y nabigo
ikaw pa lang ang nagpadama sakin ng ganito
pag ibig na totoo sana ay ikaw na nga
at sana ikaw na ang makasama ko pang ha-
-bang buhay ang iwanan kita ay never
at tayo'y magsasama happy forever
na parang fairy tale na may happy ending
ang ating pagsasama ay para bang candyng
sobrang tamis at sobrang ligaya
sa puso ko'y ikaw lamang ika nga ni Jaya
pag ikaw ay nasasaktan ako'y nahihirapan
ang mapasaya kita aking pagsisikapan
na gawin at ito ay pinapangako ko
kahit bunutin man ang lahat ng kuko
saking mga paa na sa iyo ay handang sumunod
lahat ng bitwin sa langit sayo'y aking iluluhod
para mapatunayan ko na minamahal kita
dahil akala ng iba ay sinasakal kita
dahil ikaw lang sinta ang gusto kong mapangasawa
at aking makasama sa hirap man o ginhawa
ang babaeng dadalhin ko sa altar
hanggang sa huli, 'till death do us part
lahat ay aking ginawa nang tayo'y di magkalayo
pero sa kabila ng lahat ay nagkulang parin sayo
pero sana isipin mo na kahit isang sandali
pinilit kong maging perpekto para di magkamali