sinulat ko ito habang ako'y nasa class
sa dahilang ikaw lang sa isip ko madalas
parang tsinelas paguwi gusto kong isuot
kahit luma't sira na ginhawa naman ang dulot
kumakapit lang ako sa ating mga pramis
yun ang nagpatatag saken nun akoy umalis
san man ako magpunta merong nakikilala
marami ngang lumande pero ikaw sakin sapat na
kumbaga sa on-diet kanin iniiwasan
basta nanjan ka lang lahat to'y malalampasan
walang kalasan na ang ating mga puso
kahit alam nating ganitong relasyon ay tuso
nagpapatunay lang to na tayo ay matibay
kahit gantong sitwasyon di mapaghihiwalay
mahalaga lang naman meron tayong tiwala
at bigyan ng one more chance kung nagkasala
miss na miss na kita lalo na iyong halik
sana iyong mahintay ang aking pagbabalik
wag mu isantabi mga bitaw ko sa halip
itong bulong ng munting tinig isa puso't isip