Lyrics
Ngayong Nandito Ka
Divo Bayer  
 
Akala ko, 'di mo kayang magmahal
Sa tulad kong 'di mo dating iniibig
Inalis ko na sa puso at isipan ko ang pag-ibig mo
'di ko akalain mahal mo rin ako
Ngayong nandito ka, puso ko'y sumigla
Makulay ang buhay ko dahil sa pag-ibig mo
Lahat ay nagbago na ngayong nandito ka, sinta
Noon wala akong inaasam
Sapat na ang aking kaligayahan
Binuhay mo sa puso kong nalulumbay at nag-alay
Ng isang pag-ibig na walang hanggan
Ngayong nandito ka, puso ko'y sumigla
Makulay ang buhay ko dahil sa pag-ibig mo
Lahat ay nagbago na ngayong nandito ka, sinta
Bridge
Salamat sa 'yong pagmamahal
Sa pag-ibig mo, o, giliw ko, hoh
Ngayong nandito ka, puso ko'y sumigla
Makulay ang buhay ko dahil sa pag-ibig mo
Lahat ay nagbago na ngayong nandito ka