Ngayong pasko,
ang nais ko
ay makasama ka,
makapiling ka.
Ngayong pasko,
ang pangarap ko
ay mahagkan ka,
mayakap ka.
Kahit man lamang sana sa konting sandali
ay iyong mapagbigyan ang aking hiling.
Chorus:
Ngayong pasko, ang nais ko
ay masilayang muli ang iyong napakaamo
na mukha na kay ganda
at siyang papawi sa'king pangungulila.
Ngayong pasko,
ang nais ko
ay 'sang regalo,
pagmamahal mo.
Ngayong pasko,
ang pangarap ko
ay ikaw,
tanging ikaw.
Dahil walang hihigit pa sa pagkakataon
na ika'y makasama ko hanggang bagong taon.
Repeat Chorus.
Hindi ba natin kayang balikan ang nakaraan
nang tayo ay masayang nagtatawanan?
Hindi ba natin kayang pagtakpan ang kalungkutan
at ibalik ang dati nating pagtitinginan?
Kahit man lamang sana sa konting sandali
ay iyong mapagbigyan ang aking hiling.
Repeat Chorus twice.