Song picture
Isang Baliw
2 Comment Share
Free download
gusto ko lang mag-kwento..pakinggan n'yo nalang..peace~
Artist picture
kung hindi kayo interesado makipag-collab, interesado ako..=D paki-add nalang po ang aking mga accounts.. -- arjelthrice -- chronic_khaku@yahoo.com -- ahrvhyenriquez@yahoo.com Salamat sa mga nakikinig at nakikibahagi sa aking mundo. Sana'y hindi kayo mag-sawa sa aking mga nagagawa at mga gagawin pa. Sa mga lyricist, freestyler, basta lahat ng mga rapper, mapa-net man o live performer, nirerespeto ko po kayo at sana'y ipagpatuloy n'yo pa ang mgagandang gawain upang maiparating sa mga makikinig ang ating mga hinanaing. Salamat muli at sana'y sama sama tayong mag-kapit kamay para sa ikararangal ng ating bansang Pilipinas. Mabuhay kayo! LOL.. =D
Song Info
Charts
Peak #310
Peak in subgenre #21
Author
Dizzato Crew
Rights
Dizzato Crew
Uploaded
October 26, 2008
Track Files
MP3
MP3 4.7 MB 128 kbps 5:07
Lyrics
la~la~la~la~la~la CHARD-G: hmmmmmmm...yeah! naranasan niyo na ba na sa inyo'y walang kumakampi? yung tipong kahit kausapin niyo, wala pa rin pake? "wala ka ng magagawa", tinatanong ang iyong sarili para ka ng baliw kausap mo mga haligi nasa sulok ka at sumusulat ng tula nababaliw ka na sa pag-gawa mo ng mga kanta naiinis ka dahil para bang walang nakikinig para kang halaman na hindi nadidilig iniisip mo palagi kung saan nagka-mali akala ng iba hindi ka marunong ngumiti nag-mimistulan kang tanga sa harapan ng iba sarili mong pamilya pinag-uusapan ka kinukutya ka ng iba dahil sa iyong istilo kahit ang porma mo ay gusto rin nilang mabago bakit ba naman kasi ako ay pinakekeelaman? pati ang buhay kong pribado gusto n'yo malaman CHORUS: isang baliw, pare tanggap ko yan gugustuhin ko pa kung tatawagin n'yo akong ganyan isang baliw na meron din namang karapatan upang mabuhay sa mundo nating makasalanan (2x) hanggang ngayon sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyari sa 'kin dati parang nasa may kulungan parang preso, hindi man lang ako maka-labas 'pag sapit ng gabi ay pinipilit maka-takas at umuuwi sa takdang oras bago mag-umaga kapag nahuli, ang agahan ko agad ay mura ako'y lasing kaya ako'y walang kamalay-malay magigising nalang ako na may pasa at latay tinitiis ko araw araw ang sakit at hapdi makokonsensya lang naman ako pag nag-higanti kaya hindi ko ginawa na mag-tanim pa ng poot pagkat ang utak ko'y may kausap na nakakakilabot minsan hindi ko maintindihan ang aking galaw meron iba sa katauhan kong nangingibabaw tuluyan na yata nasiraan ang aking kokote kaya ang mga kamote? ang tawag sa akin ay... CHORUS: isang baliw, pare tanggap ko yan gugustuhin ko pa kung tatawagin n'yo akong ganyan isang baliw na meron din namang karapatan upang mabuhay sa mundo nating makasalanan (2x) nakatikim ako ng droga, trese anyos pa lang nag-palagay ng mga tattoo sa parte ng aking katawan nakapag-aral ako sa military school imbis na tumino, natuto pako dun mag-bulakbol at napa-away, napa-hamak at napag-bintangan ilang beses na rin akong labas pasok sa kulungan dun na rin ako natuto mag-rap naka-sindi't lumilipad ang utak ko sa alapaap wala sa akin tumutulong ni isa ni hindi ko nga alam ang salita na "masaya" madalas kapag ako'y nawawala na sarili nag-kukulong sa kwarto, tinitignan ang mga haligi nag-iisip ako ng kung ano-ano binabalik tanaw lahat ng mga nangyari sa buhay ko pero pano n'yo ako mapapabago kung araw araw n'yo kong tinatratong parang gago? sira ang ulo, tanga at bobo, lahat ng mga yan naiisip n'yo ba minsan na ako'y nasasaktan? ako ay simpleng tao lamang na meron ding pangarap at meron ding pakiramdam sana man lang hindi kayo naging hadlang sa gustong kong mangyari bilang isang nilalang subalit ako naman ay nag-papasalamat sa inyo dahil kung wala kayo wala ng mabubuhay pang... CHORUS: isang baliw, pare tanggap ko yan gugustuhin ko pa kung tatawagin n'yo akong ganyan isang baliw, na meron din namang karapatan upang mabuhay sa mundo nating makasalanan (2x) (dinisable namin yung dalawang ISANG BALIW then binalik ulit namin para medyo gumanda lang yung huli..lol~) haha.. check it.. just check it.. di-didi-didi-dizzato crew.. chard-g and khaku.. with pjm..ohh.. ba-ba-baba-baliw ka ba?.. baba-ba-baba-baliw.. ba-baliw ka ba?..ah-ah..
Song Likes
Comments 2
Please sign up or log in to post a comment.
lastwarrior123
Apr 08, 2009
galenngggg talaga haha idol na rin kita hehe
arlynn.
Jan 10, 2009
i reallly love this sh** t! san kaba dito? solo ba to ? nliligaw akooo ,ahaha galeng serr. :] propsss!!!