*****MAGING SINO KA MAN*****
1srt VERSE***
sinabi ko sayo na mahal na mahal kita
wala na akong pakialam sa sasabihin nila
mamatay sa ingget mga nakikialam
magalit na ang lahat wala nakong pakialam
wagkang mag isep na may mahal akong iba
ang lokohin ka hindi ko sayo magagawa
bakit nga ba kase nahulog ang puso ko
unang kita palang tinamaan na ng husto
sa kantang ito ikaw lamang ang nilalaman
magpakilanpaman sayo ko lang naramdaman
maging sino ka man akoy magiging tapat
buong tiwala ko ibibigay sayo ko lahat
mga paliwanag mo hindi ko na ito kailangan
mamahalin kita at maging sino ka man
basta sa buhay ko ikaw lamang ang nakatatak
ang puso ko hindi na muli ito mabibiyak
***CHORUS***
mahal kita pagkat mahal kita
iniisip nila ay hindi mahalaga
mahal kita maging sino kaman
2nd VERSE***
pakatandaan na ikay aking ipaglalaban
ako'y darating sa yong pangangailangan
basta ililigtas kita sa ano mang kapahamakan
ako ang angel mo na para bang si super man
alam mo ba handa kitang ipagtangol sa iba
ikamatay ko man basta malaman mo sinta
na ganon kita kamahal at kahalaga
sa buhay ko ikaw lamang ang nag iisa
sa gabi liwanag mo ang aking nakikita
sa araw naman dilim ang aking nadarama
kasalanan daw ng ikaw ay ibigin ko
akoy isang bulag na umiibig sayo
malayo kaman ikaw parin aking natatanaw
sa puso ko ikaw parin ang nangingibabaw
sumisigaw at sinasabing mahal kita
mula ulo hanggang paa pagsisilbihan kita sinta
***CHORUS***
mahal kita pagkat mahal kita
iniisip nila ay hindi mahalaga
mahal kita maging sino kaman
3rd VERSE***
mahal kita dahil pagkat mahal kita
dahil sa puso ko ikaw lamang ang mahalaga
walang iba kundi ikaw ang tanging kong yaman
sa buhay ko ikaw lamang ang aking kailangan
bituwing marikit kumikinang nagniningning
parang gintong pilak ang syang nagsisilbing
tunay ang ating nararamdaman sa isat isa
kahit puro luha ang nakamit ko sayo sinta
aking dalawang mata umiiyak sa lungkot
akoy nananaghoy nangangambat akoy natatakot
na lisanin mo ang puso kong nagmamahal sayo
na baka sa bandang huli na baka inawanan mo
pangako sayo hindi ako magbabago
pusot damdamin ko hindi ito maglalaho
ikaw lamang palagi ang gusto kong makasama
sa kantang maging sino ka man sinta
***CHORUS***
mahal kita pagkat mahal kita
iniisip nila ay hindi mahalaga
mahal kita maging sino kaman
4rth VERSE***
ang kailangan ko ay ang iyong kalayaan
para malaman mo at iyo nang mapunan
ang aking pagkukulang na hindi ko binigay
nagkamali ako nang iniwan ko ang yong buhay
minutot oras ikaw ang laging hinahanap
nitong puso ko ikaw ang gustong makayap
sana naman muli mo akong pagbigyan
ninanais na makapiling kat mahagkan
kahit sa huling sandali ng aking hininga
na malaman mo na mahal kitang talaga
para tumibay tumatag ang aking kalooban
sa puso ko ikaw lang magpakailanpaman
maging sino ka man ikaw lang ang mamahalin
maging sino ka man ikaw lamang ang ibibigin
maging sino ka man ikaw parin nasa damdamin
maging sino ka man pangalan mo laging babanggitin
***CHORUS***
mahal kita pagkat mahal kita
iniisip nila ay hindi mahalaga
mahal kita maging sino kaman