nasa iyo ang pangangailangan
ng mga sira-sirang pinaginipan
may hawak sa pagbabago
kung alam mo lang ang takbo
hahayaan mo lang ba
mapanuod ang paghihirap
umasa ka na may bukas pa
pina-asa ka na ang bagyo ay lilipas na
di man lang dumating para sayo
ang nagsabi nandyan sila sa gitna ng gulo
hahayaan mo na lang ba
mapanuod ang paghihirap
gumising ka sana sa bagong umaga
maghihintay ng bagong ligaya
itataya ang lahat sa muling pagbabangon
minsan nagbabago rin tayo