Song I wrote for Globe Kantabataan 2007--a song writing contest with the theme: "Isang tinig ng kabataan para sa 'ayt na kinabukasan"
Lyrics
Magwagi
Saan napupunta ang luha? Diba't sa ilog ng buhay?
Saan mapapadpad ang pagod? Diba't sa kinabukasang 'ayt?
Kaya mo, bata..
Posibleng madapa, kapag nilusong ang baha.
Ngunit ang kabataang 'to, may lakas at pusong tumayo
at posible ring magwagi
Sa bangin ng kabiguan, ang awit mo ang lubid ko.
Sa yakap ng ating mga palad, kaibigan, tandaan ang sikreto
na kaya mo, bata..
Posibleng madapa, kapag nilusong ang baha.
Ngunit ang kabataang 'to, may lakas at pusong tumayo
at posible ring magwagi