Free download
Tikzter #19
Song Info
Genre
Charts
Peak #261
Peak in subgenre #7
Rights
Tikzter Katokzter
Uploaded
May 10, 2006
Track Files
MP3
MP3 2.7 MB • 128 kbps • 2:58
Story behind the song
wala lang... trip ko lang... siguro nangyari na sakin especially dun sa first verse cguro? para kong nagmukhang timang dun eh... haha!! pero its aite i gotta deal wit it...
Lyrics
sa umpisa tamang tama ang timpla
pero nung tumagal nagiba na ang lasa
hindi inaasahan hindi ko namalayan
kaliwa't kanan akong niloko ng kasintahan
huling huli na sa akto ayaw pa ring umamin
pwinersa lang daw sya kaya napilitan syang lumapit
ngayon asa kang ibalik ko pa ang tiwala ko
leche ka pala bahala ka na sa buhay mo
pag ako may problema asan ka?
pag ikaw may problema kanino ka pumupunta?
di ba sa akin? ako lagi mong takbuhan
pero sa relasyon natin ikaw nagbibida-bidahan
akala mo kung sino sya pala ang nanloloko
nanlalambing ka pa inuuto mo lang ako
kaya ayoko na sa lahat ng naranasan ko
ito lang ang napasukan kong maling relasyon
bakit nagkaganto(ano bang dapat gawin?)
di ko to ginusto(para lang mawala ka na?)
sa mga naranasan ito ang...(ayoko ng maulit pa ang...)
maling relasyon(maling relasyon)
ngayon... hindi ko na gusto ang nangyayari sa atin
marahil nga hindi na talaga para sa atin
dahil problema mo sa akin problema ko sayo
kaya walang pinatunguhan at hindi nagtagpo
lagi na lang saliwa palagi ka na lang wala
habang ako'y tuwang tuwa sa ibang ginagawa
tatawag ka nga pero bigla namang ibababa
ngayon nasanay na kasi wala ng halaga
ayoko na ring magisip kung ano ba talaga
limutin na natin lahat ng mga alaalang
walang kwenta sana di ka na nakasama
kung pede na rin sana di ka na nakilala
bwisit na relasyon sana di na maulit pa
habang buhay itataga sa utak pag wala kana
dahil sayo ko lang natutunan lahat ng kagaguhan
ngayon tingin ko sayo pinagpapasa-pasahan
bakit nagkaganto(ano bang dapat gawin?)
di ko to ginusto(para lang mawala ka na?)
sa mga naranasan ito ang...(ayoko ng maulit pa ang...)
maling relasyon(maling relasyon)
kase... lahat ng hirap at oras ay inubos ko nah
di mo man lang sinuklian kahit konting pagmamahal
manhid ka ba? sige ipadama mo nga
kulang pa bang ibigay sayo pati kaluluwa?
ano ko santo? kelangan ko pa bang maging martir?
asa ka! hanap na lng ako ng ibang makakarir
sa bagay marami pa naman jang iba
at buo ang loob na hindi mapapaasa
bakit nagkaganto(ano bang dapat gawin?)
di ko to ginusto(para lang mawala ka na?)
sa mga naranasan ito ang...(ayoko ng maulit pa ang...)
maling relasyon(maling relasyon)
On
Playlists
Comments
The artist currently doesn't allow comments.