Pauwi, ayoko na sanang umuwi
Ayoko na sanang harapin
Gasgas na utak, pikon na damdamin
Pagod nang magsinungaling
Ang mga sinasabing
Kalokohan sa sarili
Upang ika'y di maisip
Upang hindi manatili
* Puwang na di mapunuan
Tahanan ng dating kasiyahan
Lokohin ang sarili
Naghahanap ng rason
Kung ba't nag-iisa ngayon
Lokohin ang sarili
Himbing, gusto ko sanang mahimbing
Gusto ko sanang ipahinga
Matang bumibigay, nakikipag-away
Sa lupit ng salamin...
sa mga sinasabing
Kalokohan sa sarili
Upang ika'y di maisip
Upang hindi manatili