[Spitting: Mirakulo of Kallizto, Rebelyozah] [Chorus: Malizyosah of Enkantahdaz]
solo femcee of Ngangaw Wreckordz
Lyrics
-----------------------------------------------
Title: Endlessly
Artist: Mirakulo of Kallizto, Mz. Rebelyozah
Chorus: Mz. Malizyosah of Enkantahdaz
-----------------------------------------------
Verse I:
Ikaw lang talaga sa puso ko sinta
Ang pinakamahalaga wala na pang iba
Ang tanging nag-iiisa ang aking sinisinta
Tanging laman ng puso ko ikaw lang talaga
At wala na pang iba na sa iyo ipapalit
Lahat tatanggapin kahit gaano ka-sakit
Ka-pait na ika'y hindi para sa akin
Akin ngang iisipin aking papangarapin
Na tayong dalawa ngayon ay magkahawak ng kamay
Sa isang malayong pagtanaw sa walang hanggang paglalakbay
Magkaakbay sa bawat usad ng mundo
Laging magkasama mananatiling totoo
Sa iyo ang puso kong ito
Sayo ko lamang iaalay at ito ay pangako ko
Na nandito lang ako naghihintay lagi sayo
hinding-hindi mawawala mananatiling sa iyo
Chorus:
Do you know i exist just to promise you this?
Endlessly to be true to you
And if you answer my prayer, I'll cross my heart and I'll swear
Endlessly to be true to you
Verse II:
Nung una kitang nakita ako ay natulala
Nagbabasketball ka pa nun at ako sayo'y humanga
Bigla na lang naakit sa hiwagang nakabalot
Pagtingin ko sa iyo'y walang makakaudlot
Sino bang magaakala na ako sayoy maakit
Di ko nga mabatid bakit puso'y panay lapit
Sayo... kahit ibang babae ang gusto (what?)
Kahit nasasaktan pag nakikita ko kayo
Hindi ko nga alam kung sino ka ba talaga
Bakit ang naramdaman basta na lang ganto sinta
Bawat tibok ng puso, ika'y ang hinahanap
Tanging kaligayahan ang ika'y makakayakap
Kung maari sana, ika'y aking mahihiram
Pupunuin ng lambing dahil ika'y inaasam (uh)
At parang natutunaw pag ika'y natatanaw
Head over heels sayo hindi pa ba sayo malinaw?
Chorus:
Do you know i exist just to promise you this?
Endlessly to be true to you
And if you answer my prayer, I'll cross my heart and I'll swear
Endlessly to be true to you
Chorus:
Do you know i exist just to promise you this?
Endlessly to be true to you
And if you answer my pray, I'll cross my heart and I'll swear
Endlessly to be true to you