Isang letratong aking tinitignan
Dalawa kami puno ng tawanan
Masaya ako noon, di tulad ngayon
Saka ko lang naisip 'tong nadarama
Di lang kaibigan, kundi pag-ibig pala
Tinawagan ko siya sa telepono
Ngunit sabi niya
Di na maaaring tulad ng dati
Kay tagal niyang hinintay na mahalin ko siya
Hanggang ang puso’y napagod na at naghanap na ng iba
Hindi na maaaring tulad ng dati
Pinag-usapan namin ang nakaraan
Nagmakaawa kung pwede siyang balikan
Huwag na lang daw, masaya na siya ngayon
Nagpaalam ako’t naiyak sa huli
Hiling niya’y huwag na sanang tumawag muli
Tuluyang naglaho ang pagkakataon
Dahil sabi niya
Di na maaaring tulad ng dati
Kay tagal niyang hinintay na mahalin ko siya
Hanggang ang puso’y napagod na at naghanap na ng iba
Hindi na maaaring tulad ng dati
Sabi niya
Di na maaaring tulad ng dati
Kay tagal niyang hinintay na mahalin ko siya
Hanggang ang puso’y napagod na at naghanap na ng iba
Hindi na maaaring tulad ng dati
Di na maaaring kami tulad ng dati
Isang letratong aking tinitignan
Dala nito ay luha’t kalungkutan
Dahil
Di na maaaring tulad ng dati