LYRICS.
Bawal na Gamot by: Keira
Akala ko mawawala lahat ng hapdi at sakit
hindi rin nagtagal at lumabas din ang pait
Dahil wala pa akong alam noong bata pa ako
kaya madalas kong ginagamit 'to at nagsosolo
Bakit ba hinayaang magpatuloy sa hindi tama
napabayaan ang buhay ko sa maling daan
Walang tumulong kaya sa huli ako nagpaubaya
sa kahit hindi maganda, basta lang binale wala
Kaya ka nakilala dahil madami akong problema
nagpakalunod ako kaya lalo namroblema
Sabi ng iba masarap lahat ng mga bawal
sa una lang dahil nakakasira pag tumatagal
Ang bawal na gamot ay dapat di na tinikman
masakit sa lalamunan at masaklap na karanasan
nawawala aking tinig habang inaawit to
nanghihina at naluluha habang sinasabi to
CHORUS
2nd verse:
Kung pwede ko lang sana ibalik ang panahon
hindi ko uulitin ang naging maling desisyon
hindi ko hahayaan mabali ang mga aking pangako
na magbago ako kahit sakin 'to ay malabo
Dahil wala sa utak ko ang mga effects nito
kaya kay bilis naakit ako nung bata pa ako
Sabagay di ko alam kung san ba ang dulot non
ang droga na, nakatago sa kahon ngayon
Ayaw ko na muli mahulog saking kamalian
lumalayo na ko sa mga taong naririyan
Dahil impluensya ng barkada ko ay masama
sa mga kagaguhan nga nila ayokong mapasama
Minsan tinatanong ko nga sa aking sarili
kung bat nabulag at bat mali ang aking napili
Madali lang lagpasan pag ginagamit ko
ngunit natauhan na kaya retirado na'ko