Lyrics
Naghintay sa wala
VONZ
ano'ng pakiramdam..nang naghihintay ka sa wala?
naghintay ka ng matagal..tapos malalaman mong
wala ka palang hinihintay.. pakinggan nyo na lang.
1st
isang malungkot na kwento ang nais kong ibahagi,
kakasawa naman kasi 'pag tirahan palagi,
isang gabi, naglalakad ako pauwi,
nakabulsa ang kamay, walang kasama't katabi,
nang may tao sa malayo ang aking natanaw,
nakayakap sa sariling braso nya, giniginaw,
sabi ko parang babae yun nung medyo malapit,
nang maaninag ko sa ilaw, "bakit wala syang jacket.."
ilang metro na lang maglalapit na rin kami,
parang may sumusunod sa kanya, teka sandali,
napansin ko sa lakad nya biglang nagmadali,
tumitingin sya sa likod nya't hindi mapakali,
"Miss, ok lang ba, bakit anong problema?
maputla ka, gusto mo..sa'yo na muna..
'tong jacket ko? ok lang, wag kang mahiya..
taga-dito ka? san ka dito nakatira?"
chorus
halimuyak ay naiwan sa'king pinahiram,
pag iniisip parang tunay ang aking naramdaman,
isang babaeng misteryosa, nakasama't nahawakan,
paglipad ng isip ko, nakatingin sa kalawakan,
dumaan ka na sa buhay ko, 'di ka pa nag-iwan
ng bakas ngunit sa isip ko 'di malilimutan,
pangyayaring lagi akong kini-kilabutan,
sana kayang ibalik ang oras para ka abutan.
2nd
may nadaanan kaming park dun na muna huminto,
'di pa 'ko nilalamig sa init na naipon ko,
tinanong ko sya, "ba't wala kang jacket gan'tong oras?
kung may problema ka hindi naman gan'to ang lunas,"
pumatak ang luha nya, pa'no ko daw nalaman,"
"malakas lang talaga ako sa pakiramdaman,
sa maiksing kwentuhan sinabi nya lahat,
pagkatapos nya, sabi ko "ba't 'di mo iiyak?
'wag ka sa'king mahiya, nadaanan ko na yan,
may malungkot, may masaya, sa buhay talagang ganyan,
kung iniisip mo ikaw lang ang may ganyang problema,
dami pang mas mabigat dyan pero may pag-asa,
na bumubuhay para gumawa ng solusyon,
matagal man o mabagal na parang prusisyon,
ay matatapos din yan, kaya 'wag kang mag-alala,
mula ngayon nandito na'ko, yun ang mahalaga."
chorus
halimuyak ay naiwan sa'king pinahiram,
pag iniisip parang tunay ang aking naramdaman,
isang babaeng misteryosa, nakasama't nahawakan,
paglipad ng isip ko, nakatingin sa kalawakan,
dumaan ka na sa buhay ko, 'di ka pa nag-iwan
ng bakas ngunit sa isip ko 'di malilimutan,
pangyayaring lagi akong kini-kilabutan,
sana kayang ibalik ang oras para ka abutan.
3rd
nagpasya na kaming umuwi dahil gabi na,
magcha-chat na lang kami bago humiga,
pagbukas ko ng computer in-add ko sya sa FB,
nagchat sya, nakalagay ang word na SORRY,
"bakit sorry? wala naman syang nagawang mali"
BUKAS KITA TAYO SA PARK GANUNG ORAS ULI,
"'di kita maintindihan, sinaktan ka ba nya?
katabi mo sya ngayon? kaya bigla kang nag-iba?"
hindi na sya sumagot, OFFLINE, natulog na'ko,
kinabukasan bumalik ako sa park, "ba't walang tao.."
nakita ko sa upuan, nandun lang yung jacket,
naghintay ako hanggang alas dos na ay sumapit,
may lumapit sa'king matandang babae,
"umuwi ka na 'toy dahil wala ring mangyayari,
ang babaeng hinihintay mo.... 6 years nang patay,
at hindi lang ikaw ang una ditong naghintay."