Sabi nila mangarap daw sa bituin
Ibibigay ang anumang aking hiling
Heto na naman ako, sa kanya sumusuyo
Na sana ako'y iyong mahalin
chorus:
Nangangarap ba sa maling bituin
Kung kaya pag-ibig ko'y di mo pansin
Nangangarap ba sa maling bituin
Kaya ang puso mo'y di maangkin
Bawat gabi sa langit ang aking tingin
Hinahanap asan ang tamang bituin
Bakit nagtatago, baka naman sobrang malayo
Hiling ko ay di niya marinig
(repeat chorus)
bridge:
O sa libo-libong mga tala
Siguro may isa man lang maaawa
Pagbigyan ako ng himala
Magkatuluyan tayong dalawa
(repeat chorus)