Song picture
Walang Masandalan by Smhokero
Comment Share
Free download
Check out the artist page.
Stream all 26 songs for free.
Song Info
Genre
Hip-Hop Hardcore Rap
Charts
Peak #318
Peak in subgenre #50
Uploaded
October 26, 2010
Track Files
MP3
MP3 3.9 MB 128 kbps 4:15
Lyrics
"Walang Masandalan" "INTRO" Walang masandalan.... Walang masandalan.... Walang masandalan.... "1st Verse" Marami ang mga pagsubok na dumadaan sa tao Ito ang dahilan kung bat nasisiraan ng ulo Ang ilang mga kapatid nating pilit na lumaban Bawat yugto ng sandali bubog kailangan pa nga bang tapakan Panu makikipagsabayan kung may bitbit na lungkot at galit na sa pusoy dimaikubli sanhi ng pagka bagot Tanging takbuhan at sagot mga masasamang gawain Dahil mismong kapamilya tulong di man lang ma ihain Bakit kailangang danasin ang mga hirap sa buhay Bakit pag kailangan ng suporta walang naka antabay Imbes hatakin ang kamay papataas lalong lumulubog Bakit sa twing madadapa ka ni isa walang nakakatunog minsan Pinipilit ang sariling tumayo kahit mapanganib kahit na may halong takot at kahit na matalahib ay Handang suungin dahil nga walang masandalan Hanggang kailan magtitiis sa hirap na nakagisnan "CHORUS" Bakit ba.. Bakit ba..Kapag kailangan ng tulong Walang sandalan na magpapasulong Sa tuwing ang buhay pababa ang gulong Bakit ba.. Bakit ba..Kapag kailangan ng tulong walang kilala na malalapitan Ni isa walang nakikipagpulong "2nd Verse" Sa pangalawang pahayag mismo sa bibig ko nanggaling Isa ako sa mga taong sa salipi napuwing nagbebenta, at nagnanakaw ng kung anu ano Dahil akoy namulat sa mala impyerno kong mundo Sa mga panahong kailangan ng kakampi at agapay Tila napagkaitan ng tulong at walang umakay Na patungo sa tamang daananan at dapat tahakin Miski ang pagmamahal ng magulang di napasakin Sino aking sisihin sino ang sasandalan Sino ang magliligtas sa bawat kapahamakan Sino aking maaasahan Pag paay lubog sa putik Sino ang may malasakit na bubunot ng tinik Saking dibdib na puro galit lang ang nakapaloob Sagot saking katanungan kailan ipagkakaloob Ng sa ganun makalabas sa pintuang nakakando At buksan muli ang puso na kay tagal ng barado "CHORUS" Bakit ba.. Bakit ba..Kapag kailangan ng tulong Walang sandalan na magpapasulong Sa tuwing ang buhay pababa ang gulong Bakit ba.. Bakit ba..Kapag kailangan ng tulong walang kilala na malalapitan Ni isa walang nakikipagpulong "3rd Verse" Sa ikatlong bersikulo ng awit koy ilalahad Nang minsang akoy matalisod sa aking paglalakad Bigla nalang natauhan at napatingala sa ulap Tila senyales na may kasagutang mahahagilap Sinubukan kong hanapin baka lang nasa paligid Ngunit walang mapagtanungang tao sa mga gilid At laking gulat ko ng matanawan ang isang pasilyo Ang lawak ay mapapagkamalan mong isang kastilyo Sa kagustuhang makita sapilitang hinakbang ang paa Patungo sa liwanag na sumisinag saking mata Tanging ang baon koy kaba at takot sa paglalakbay Binabaybay ko ang dilim ng walang direksyong gabay At habang nasa kalagitnaan tila nais kong umurong Ngunit di nagawa dahil sa tenga may bumulong Na sabing ..di ka nagiisa ako ang iyong kakampi At ako din ang aalalay hanggang sa iyong pag uwi "CHORUS" Bakit ba.. Bakit ba..Kapag kailangan ng tulong Walang sandalan na magpapasulong Sa tuwing ang buhay pababa ang gulong Bakit ba.. Bakit ba..Kapag kailangan ng tulong walang kilala na malalapitan Ni isa walang nakikipagpulong Walang masandalan.... Walang masandalan.... Walang masandalan....
On Playlists
Comments
The artist currently doesn't allow comments.