Paalam sayo Freestyle Basketball by ZooT
Ito na ang huling pag rap ko sa Freestyle Basketball Philippines..Alam kong hindi narin babalik pa ang Freestyle basketball kaya tinamad akong dugtungan pa ng 2nd Verse at 3rd Verse ang rap...Kaya paalam sayo Freestyle...
Check out the artist page.
Stream all 26 songs for free.
Lyrics
Sa dinami dami ng mga laro na dapat tanggalin tanong ko bakit ito ang inyong napili
Di nyo ba alam na ito ay naging bahagi ng buhay ng bawat isa at nagpangiti
Samin ng ilang taon at magpasa hanggang ngayon
Sabay bigla nalang mababalitaan na mawawala ang game damang dama namin sa puso ang pagkabaon
Anu ba ang mga kasalanang ginawa at bat pinagpalit kami
Sa larong kos secret operations na inyong pinagmamalaki
Kaya kami inisantabi nalang at ang Freestyle basketball ay tinaningan na mawawala
Panu na ang mga magandang alalang nakalipas namin sana ay magkaroon ng himala
Pumapatak ang luha sa aming mga mata hindi malaman kung hanggang kailan titila sa pag buhos
Aming ginalugad bawat sulok ng tahanan upang kalimutan ang lahat ngunit
ayaw humupa ng galit tila inagos
ang mga masasayang kahapon tungo sa paraisong dilim ng kalungkutan
Mga kasagutan na nais naming malaman sa inyo bakit puro palusot ang binibitawan
At hanggang kailan nga ba makakayanan ang mga pasanin na ipinabaon sa aming lahat
Kahit na itago ang mga hinanakit bakit bumabakas ang tindi ng pait na lumalapat
Nagsilbing lamat sa puso ang Paglisan mo sa amin at ang kalimutan ka ay di ganun lang kadali
Ikaw ay mananatili sa amin hanggang sa hukay sana ay magkasalubong pa tayong muli
"Chorus"
Paalam..... paalam sayo........
Freestyle Basketball
Bakit kami ay lilisanin mo.....
Freestyle Basketball
Mahal ...mahal pa naman kita.....
Freestyle Basketball
ang buhay namin ngayon paano na......
Comments
The artist currently doesn't allow comments.