halika nat sumama ka
dadalin kita sa kalawakan.
halika na at kumapit ka
at di na kita bibitawan
ipapakita ko sayo
kung ano ang kaya ko
ibibigay ko ang lahat sayo
kahit na ang buong mundo
I
ha! lika na at atin ng lakbayin
sa kalawakang aking sakop dun kita dadalhin
di ba sinabi ko na ikaw ang nag iisa kong rosas
gusto kitang pakawalan sa matagal mong pagkaposas
mga pinapangarap mo na sabing di kayang abutin
sumama ka lang sakin katabi ang mga butuwin
its gonna be u and me with no space in between
i will take you to places that nobody has been
at ngayon wala ng dapat pang alalahan en
gagawin mo lang naman ay ibigay ang kamay mo saken
at humawak ng mabuti at d ka na bibitawan pa
magtiwala ka sa akin at imulat ang mga mata
paglalakbay na pagiging malaya ang destinasyon
huminga lang ng malalim ipaubaya ang sitwasyon
wag mag alala dahil ako na ang bahala
walang makakapigil saten kahit harangin ni bathala
II
para sayo papasan ko ang krus
bibilan ng eroplano samahan pa ng bus
pantalon ko na loose sisikapan para sayo
sayo ko lang paiikutin ang aking mundo
kahit saan pasundo kahit gaano pa kalayo
lalakarin ko lang yan kahit malayo
bibilin ang lahat kahit gano kamahal
mapatunayan ko lang sayo na ikaw ang mahal
ang mahalin ka, yan lang ang aking balak
para sayo lalasingin ko pati alak
lahat ng nasa loob ay palalabasin
pagmamahal na nagpapamis sa asin
and as in amma do all o this
makamtan matikman ko lang ang iyong kiss
kahit gano kabilis ay aking pababagalen
bastat pagibig mo lang ay mapa sa aken