Song picture
Love Life
Comment Share
Free download
Artist picture
Check out the artist page.
Stream all 26 songs for free.
Song Info
Charts
Peak #1,673
Peak in subgenre #138
Author
Alexis
Rights
Crazy Family
Uploaded
April 06, 2009
Track Files
MP3
MP3 4.7 MB 128 kbps 5:05
Lyrics
1st Verse -Simula ng masilayan kita di na maalis ang paningin ko sayo Nang dumaan ka saking harapan ay natulala sa ganda mo -Sa mga mata mo ay nakatingin at sakin napatitig ka Alam mo ba na doon pa lang sa iyo ako ay napaibig na -at pinagtapat ko sa iyo,sapagkat ang mahalaga na malaman mo mula sa akin ang lahat ng nadarama -kaya ikaw ang aking dinarasal sa ama naming may maykapal sapagkat sayo ko na talaga sinagad ang aking pagmamahal -Kaya sayo ko lang nais ibigay ang pagibig na talagang tunay Sa iyo na nakalaan ang pagmamahal na panghabangbuhay -ikaw ay aalalayan,di kita pababayaan mahal kita puso kong ito ikaw ang pinaglalaanan -Maniwala ka lamang sakin na ang pagibig ko ay di balatkayo Pakinggan nalang ang awiting ito di man maibigay ang lahat sayo -Pero talagang Totoo ang aking pagmamahal lubusan-lubusan Pagibig ko,walang kasing tagal tagus-tagusan Chorus: 2x -ang pagibig ko, ay inaalay ko lamang sayo -sapagkat ikaw lamang ang aking mahal at yan ang totoo...... 2nd Verse -Akin pang naalala ang lahat ng nakaran Kahit na magkaibigan lang tayo,puso ko sa iyo na nakalaan -Dahil matagal na sakin nakatago ang lihim na pagtingin naghihintay lang ng pagkakataon na ako ay pansinin -At nung lumapit ka sa akin ang mga mata mo'y tinakpan Ika'y napapaluha at ang dahilan ikaw ay sinaktan -Bakas na bakas sa iyong mukha ang pag ngiti ay di tiyak At pumatak ang luha mo sa balikat ko napaiyak -At ito ay dahil lamang,sa iyong walang kwentang kasintahan na manloloko,narito lang ako oh sige tahan na... -Sa inyong tahanan ikaw ay aking hinatid hinalikan mo ko na parang may gustong ipabatid -Damdamin ko'y napanatag at hindi masukat ang tuwa Ikaw nga dahilan kung bakit ako nakasulat ng tula -Niyakap mo ko bigla haplos ng 'yong kamay ay ramdam At sinabi mo na mahal mo rin ako hindi ko lang alam! Chorus: 2x -ang pagibig ko, ay inaalay ko lamang sayo -sapagkat ikaw lamang ang aking mahal at yan ang totoo...... 3rd Verse -Ngayon ikaw ay akin na,limang daang mang pahina Walang pahinga na susulatan ko yon na Mahal kita -Walang iba,at tayong dalawa ay nagsumpaan Walang iwanan kahit ang panahon ay mapaglumaan -Ngunit,bakit ganon?,Biglang nagbago ang lahat Damang dama ko ang sakit Parang napaso ang balat -Dahil buong akala ko,tayong dalawa'y masaya na Ilang buwan lang tayong nagsama ngunit ngayon ay nasaan na? - Nagdaan na ang mga araw sakin di ka na nagpapakita Halos di na kita matawagan wala na ko sayong balita -mundo ko ay nagdilim sayong sulat na pinaabot Na nagdulot sa aking puso ng sugat na di magamot -Sa pagsasama nating yon Hindi mo pala ako minahal May iba ka na pinagtripan mo pa ko ng ganon katagal -May kasalanan ba ako sayo?,wala naman di ba?? Kapag sinaktan ka,tama bang gantihan mo ang iba?? (mahal pa rin kita)... Chorus: 2x -ang pagibig ko, ay inaalay ko lamang sayo -sapagkat ikaw lamang ang aking mahal at yan ang totoo...... (Chorus w/ rap) -Tumatak sa aking utak ang luha na pumatak Umuwi ng luhaan ang damdaming watak watak -Mahal pa rin kita kahit pinagmukha mo kong hangal Ito'y Tula ng isang makata na nabigo sa 'yong pagmamahal -Siguro nga ang masaktan ka kasama sa pagtanda ang masawi sa pag ibig mo hindi lang ako naging handa -Ikaw ang inspirasyon,ng aking komposisyon Gumuho na ang palasyo na nilikha ng aking imahinasyon!! Chorus: 2x -ang pagibig ko, ay inaalay ko lamang sayo -sapagkat ikaw lamang ang aking mahal at yan ang totoo......
Comments
Please sign up or log in to post a comment.