para sa tanging babaeng mahal ko. :)
Check out the artist page.
Stream all 7 songs for free.
Story behind the song
Malayo ako sa mahal ko, so, kaialangan kong palakasin ang loob naming dalawa.
Lyrics
Laging Tandaan [Original]
by Fer
malayo man ako sa iyo,
wala man ako dyaan sa tabi mo,
laging tandaang nandito lang sa puso,
ikaw ang laman at ang tanging gusto.
hindi man nila maintindihan,
basta't alam mo ang ating nakaraan,
laging tandaang hindi ka nag iisa,
hindi kita pababayaan sinta.
hindi man ngayon, magkaroon ng panahon.
laging tandaang hindi magbabago, ang nararamdaman,
para sa'yo.
at kahit ilan, ang dumaan sa aking harapan,
laging tandaang hindi maghahanap, pagka't walang katulad,
ikaw lang, aking sinta.
umiiyak man, paminsan minsan,
at ang luha ay hindi na mapigilan,
laging tandaang ayos lang umiyak,
basta't papalitan ng ngiti't halakhak,
kakayanin natin lahat ng darating,
tatagan ang loob, pangarap ay abutin,
laging tandaang ikaw ang dahilan,
ng pagtibok nitong pusong sa'yo lang.
hindi man ngayon, magkaroon ng panahon.
laging tandaang hindi magbabago, ang nararamdaman,
para sa'yo.
at kahit ilan, ang dumaan sa aking harapan,
laging tandaang hindi maghahanap, pagka't walang katulad,
ikaw lang, aking sinta.
itong aking kanta, inaalay sa'yo,
ang gitara't liriko'y gawa sa pag-ibig mo ..
Comments
The artist currently doesn't allow comments.