Song picture
May Mahal Nang Iba
Comment Share
Free download
songwriter music writer
Check out the artist page.
Stream all 29 songs for free.
Song Info
Genre
Pop Dance-Pop
Charts
Peak #72
Peak in subgenre #47
Author
Wil Lim
Rights
2014
Uploaded
February 26, 2014
Track Files
MP3
MP3 7.1 MB 246 kbps 4:01
Lyrics
Napapansin ko tuwing dumadaan siya May ningning ang 'yong mga mata At kapag magkausap kayo Sobrang tamis ng mga ngiti mo Di man sabihin, halata rin Sa kanya ka may pagtingin Di niya siguro alam ang sikreto Siyang laman ng puso mo Pero di masabi sa kanya Dahil meron siyang ibang sinta Di kayang pigilin iyong damdamin Kahit di mo siya dapat mahalin chorus 1: Mahirap kung ang mahal mo'y may mahal nang iba Nais mong makapiling siya, sa piling ng iba ang gusto niya Mapagbiro minsan si Cupido, puso'y nilalaro Sa lahat ng maaaring ibigin, bakit pa Sa isang may mahal nang iba Ngayon aaminin, meron din akong lihim Sa 'yo ako'y may pagtingin Lagi-lagi kong dinadasal Sana ako na lang ang iyong mahal Ngunit di maaaring puso'y pilitin Kung sino ang siyang iibigin chorus 2: Mahirap dahil ang mahal ko'y may mahal nang iba Nais kong makapiling ka, ang gusto mo'y makapiling siya Mapagbiro minsan si Cupido, puso'y nilalaro Sa lahat ng maaaring ibigin, bakit pa Sa isang may mahal nang iba bridge: Nakakatulala, ano 'tong naririnig ko Iyong inaamin, akong tunay na mahal mo Kasabwat lang pala siya upang magselos ako Sobrang torpe raw kasi, kailangan ng tulong chorus 3: Kay sarap kung ang mahal mo'y nagmamahal din sa iyo Nais kong makapiling ka, sana panghabang buhay na Ang galing naman ni Cupido, kapwa pinagtugma Sa lahat ng maaaring ibigin, nahanap din Ang isang nagmamahal sa 'kin Sa lahal ng maaaring ibigin, hindi pala Sa isang may mahal nang iba
Comments
The artist currently doesn't allow comments.