Song picture
Latigo
Comment Share
Free download
Gitara at Boses lamang. Nirecord sa Orange Segment D&P sa tulong ni Marco Palinar. Salamat din kay Gelo Lagasca para sa mga komento sa pagbigkas at saliw.
boom pit trauma maligno troma nu107 boom dizon latigo shrimppaste diyosa arrestgloria himpapawid humalik buntis
Artist picture
Check out the artist page.
Stream all 5 songs for free.
Song Info
Genre
Alternative Indie
Charts
#14,438 today Peak #46
#2,786 in subgenre Peak #17
Author
Boom Dizon
Rights
Pilipinas 2006 - PPRI (Boom Dizon)
Uploaded
March 29, 2008
Track Files
MP3
MP3 4.5 MB 128 kbps 4:56
Story behind the song
Ito'y awitin hinggil sa paghihintay. Walong oras ang ginugol sa intro, tatlong araw at apat na iba't ibang saloobin ang inilakip upang matapos. Para sa lahat ng umasa at minanhid ng pagtunganga. Bagaman walang pretensyong relihiyoso, ikinakawing sa tulang ito ang pagpapahirap sa Hesukristo bago ang pagpapako. Tila ang mga hagupit ay isa sa pinakamapait na paghihintay.
Lyrics
Nalimutan ko nang mataranta Nawala kang muli Hindi ko tatanungin Hindi nawawala ang hindi hinahanap Panong mapapagod ang dati nang pagal Hindi malilimot ang di mo naintindihan Humalik sa himpapawid Arukin ang di maabot Malayong babalik ka pa Pumipiglas ang lubid Yayapos ang alipin Umaatras Ang oras Kapag ika’y nawawala Nalimutan mo nang magsalita At tulad ng huli Purihin ang salarin Hindi nabibigo ang di nangangahas Santong pinapako, kumalinga ng wagas Magsisi’t tumalikod wala ka nang babalikan
On Playlists
Comments
Please sign up or log in to post a comment.