Check out the artist page.
Stream all 23 songs for free.
Lyrics
10242010
Bolyo - Dahil Ikaw Lang
dahil ikaw lang ang babae sa mundo
wala ng iba
wala ng iba
I
ikaw lang ang nakita kong babae sa mundo
taglay mong katangian na binubuo ako
na sa tuwing ikay nagdaraan
naghahampasang hangin
kung akoy pagbibigyan ang makilala kang dalangin
tangi kong hiling sa maykapal na bigyan ng lakas
ng loob upang ikaw ay malapitan at mabigkas
ang nararamdaman na pilit kong tinatago
kay tagal kong nilihim na sa iyong nagsusumamo
naway mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin
at malaman mo nilalaman ng puso koy ikaw lang din
sa mundong ito ikaw lang ang nakikita
tatawagin ang ngalan mo para lang lumingon ka
sa paglapit moy pinapawisan ng malamig
paghawak sayong kamay parang hawak ang daigdig
sayo lamang umiikot ang mundo ng buhay ko
ang bawat hikbi at hinga ay dinudugtungan mo
II
wala ng iba sino pa ba ang iibigin
ikaw lamang talagang nagpasaya sa akin
iniisip ka habang ginagawa aking kanta
sanay iyo ng marinig sanay iyo nang madama
at paniwalaan ang aking mga sinasabi
sa buhay kong ito sa yo lamang natorete
na hindi na makumpleto ang aking mga araw
kapag ikay kausap ligaya ko ay bumababaw
na ultimo iyong ngiti akoy napapanatag
kapag kapiling ka kahit matulog pa sa papag
ok lang sa akin kahit san mo ako dalhin
bastat ikaw aking kasama at wag aalisin
ang iyong tiwala na aking inaalagaan
hindi ko sisirain at wag mong pagsasawaan
ang pagmamahal na aking inaalay
walang katapusang pagibig at walang humpay
Comments
The artist currently doesn't allow comments.