Di mo man lang ba naisip?
Baka nasasaktan mo rin ako
Oras lang ang kailangan
Dahil ang isip ko’y gulong-gulo
At sana lang, kapag sinabi ko na ako ay darating
Pakiusap lang, pwede mo ba akong hintayin
At huwag ka nang maghanap ng iba
Kung pwede lang...
Kahit pilit kong habulin
Wala pa ring nadaratnan
Pero kahit ‘di ka akin
Ikaw lang ang pakikinggan