Ibat-ibang katauhan ng Pilipino
Check out the artist page.
Stream all 23 songs for free.
Lyrics
Katauhan
katauhan mo ngayon bigla na lang nagbago
katauhan mo ngayon bigla ka na lang agresibo
katauhan mo ngayon di mo naman ito plinano
katauhan mo ngayon dala dala san man naroroon
katauhan natin ay ibat iba
katangian natin dala ng bawat isa
bawat kilos at galaw mahinhin o magaslaw
kanya kanyang alindog iba pati sayaw
idolo mo si jose rizal
mahalaga sa akin ay almusal
gusto ko niyan gusto ko non
ayaw ko niyan ayaw ko non
ang gusto mo noon ay ayaw mo na ngayon
II
sansan nakikita ibat ibang kultura
mga pinoy hiphop, underground, rakista
may angking talino kanya kanyang dating
pananamit at kulay iba iba na rin
gamit na lenguahe sinabay na rin sa alon
sa tuwing magkikita mga kamay pinapaalon
di pwedeng echepwera kahit na bading
tomboy man o homo may grupo na rin
deym bakit ganito o kay gulo
lahat naman tayo ay pilipino
di mo na malaman kung ano ang totoo
tanggapin na lang natin yan ang uso
pero bawat tao ay may kapintasan
ang hiling lang walang pakialamanan
ito ang katauhan ko iba sa katauhan mo
wag nang galawin nang di magkagulo
III
Simula't sapul na ikaw ay isilang
iniluwal ka ng iyong magulang
ikaw ay natuto ikaw ay naturuan
pero katauhan ikaw nagbuo nyan
ikaw ang syang naghubog ikaw ang syang namili
landas tatahakin ikaw lumantare
ikaw bumarkada ikaw nag estilo
samahang pinasok ito ang gusto mo
wala ng sisihan wla ng argumento
ang katauhan mo di na pwedeng mabago
yan nakasanayan yan nakagawian
yan ang dadalhin hanggang sa himlayan
sarili mong dala iyong ipagmalaki
wag kang mahiya kung natatae
ibig kong sabihin sarili'y kilalanin
ipakita kung sino ka yan ang iyong layunin
Comments
The artist currently doesn't allow comments.