palaliman ng lengwahe palupitan ng bagsakan
ilang ulit man labanan di mo ko kayang tapakan
sa larangan at industriyang sagad na sa talino
isang batang patapon na may pangalan na normano
sinimulan ko ng sumulat para sa pakiki baka
ng mapakinggan ko ang lahat na mga haka haka
at ako ay napahanga dahil saking narinig
mag mula ng tuklapin mo ang ilalim ng sahig
daig sa lalim ng gawa pero patid sa pag bira
at tinutulak ang motor ko pasulong kapag sira
bumabara sa lalamunan paglunok ng mga laway
nag tanim ka ng binhi kaya ang tubo sayo sungay
ano nga ba ang patunay na ika'y nahapyawan
ikaw nga ang bara bara ngi wala kang dahilan
sino ba ang paurong di mo ko kaya ng harapan
puro ka lang salita kaya ang utak kinalawang
sino nga ba ang timang at sino nga ba ang lamang
di mo nga ko kabalikat umaani ko ng galang
ang puwang sayong papel ay masikip saking distansya
mag sulat ka ng marame sakin pare di yan kasya
(CHORUS)