Check out the artist page.
Stream all 29 songs for free.
Lyrics
1st Verse:
Sadya bang ganito ang tadhana ko
pag asa ko'y wala na at hinang hina na ko
dahil sayong mga pangako na puro lang salita
ngayo'y nagsisisi ako bakit minahal pa kita
Pinaasa mo ako sa yong mga pangako
sa salitang "mahal kita" napaniwala mo ko
pinaikot mo lang ako para makuha mo
ang lahat ng luho mo, kahit kapalit ay luha ko
Nung iniwan mo ko ano nga ba ang dahilan
ang lahat ng inutos mo ay ginawa ko naman
nagmukhang aso na nga na sunud-sunuran sayo
saan ba ko nag labis at saan nag kulang sayo
Tanong ko sa sarili kung ang magmahal ba ay mali
o sa pagmamahal ko sa iyo ako nagkamali
inaamin ko na sa 'ting relasyon naging tanga 'ko
dahil akoy naniwala sayong mga pangako
Chorus:
Nasan na ang pangako mo na ika'y 'di lalayo
pero sana ay pakinggan ang sigaw ng...
puso kong ito na ngayo'y nalilito
at nagtatanong, nasan na ?
2nd Verse:
Nasan na nga ba ang iyong mga pangako
akala ko pa naman nuon hindi 'to mapapako
pero anong nangyari bakit tila naglaho ang lahat
samantalang ibnigay ko naman sa iyo'ng lahat lahat
Ano pa ba ang dapat ko pang gawin at mga di ko pa nagawa
hindi ka ba nanghihinayang sa pinagdaanan nating dalawa
kulang pa ba ang pagmamahal na sa iyo'y aking ibinigay
ngayon lagi kitang iniisip at sa gabi di na ko mapalagay
Pero sinta, kung alam mo lamang aking nararamdaman
naghalong galit at lungkot ng puso koy nilalaman
ano ba naman kasi ang dahilan at pagtingin saki'y naalis
mas mahal mo ba sya kaya ka nagpasya na iwanan ako't umalis
Pero sana kung nasan ka man sana ikaw ay masaya
at sana maligaya ka na ngayon sa piling niya
akala ko nuon minahal mo ako yun pala hinde
ang mahalin ang katulad mo dyan ako nagkamali
Repeat Chorus 2x
Outro:
Nasan na ba
Pangako mo sinta
Nasan na... ?