verses: Ning-Ning ft KyD // massive credits to KyD
Former Yztilong Pnai && Teztamentoz member.
- - xo
Lyrics
NingNing:
talagang nananadya ang panahon
at ano, naman kaya ang rason nito ngayon
para ba masaktan muli ang puso ko
o para ako na ba ay matuto
una pa lang ay may kakaiba na ngang napansin
na tila ay naglalaro sa aking damdamin
ang pagkalito ay binulong na lang sa hangin
dahil di alam na naguguluhan ka rin
pero sa pagkakataon na ito
hindi nag,bibiro ang ating mga puso
hindi rin, nagsisinungaling ang mga tinginan natin
ngunit di magawang aminin (di magawang aminin)
alam kong pareho tayo ng nararamdaman
gawa na rin ito ng maganda natin na samahan
malinaw naman na higit pa sa ito pagkakaibigan
ngunit di maaaring, maging magka-ibigan
kahit na minsa'y napapaisip bakit di na lang subukang
pagbigyan ang mga pusong uhaw (mga pusong uhaw)
saan nga ba natakot? at sabay pa na tumanggi
at ang tanging binigkas ng iyong labi
ay, lalayo ka dahil ayaw mo akong masaktan
ngunit mas gugustuhin pang makadama, ng sakit
kesa sa piling ko'y mawala ka nang tuluyan
di mo naman kailangang mangamba, puso na'y idinistansha
titigilan na pag luha at ako'y di na aasa
dahil tanggap ko na, hanggang dito lang diba
wala nang magagawa kung ito hatol ng tadhana
//
Sugatan na nga dahil di ka sa akin
Di na maghihilom pag iniwan mo pa
//
Dito ka lang
Basta dito ka lang...
ateh saan pwde e2 download