Makikita na naman kita.
Buong araw na naman kitang kasama,
magbibiruan, maghahabulan
kakain sa 'ting favorite na restaurant.
Refrain:
Tapos pagkatapos nating maghiwalay,
to be continued pa rin kahit na naggoodbye.
Magtitext ka pa rin sa akin.
Tatanong mo kung ako na ay kumain.
Chorus:
Pero di naman tayo.
Bakit ganito kung ako ay ituring mo?
Minsan na 'kong umamin sa iyo
pero tinanggihan mo lang ako.
Ano ba talaga? Ano ba talaga ako sa iyo?
Kapatid mo lang ba ako.
Sa'n na naman ba tayo pupunta?
Anong meron at bihis na bihis ka?
Wala 'kong pera. Wala 'kong gana.
Basta't kasama ka, di ako magsasawa.
Repeat Refrain.
Repeat Chorus.
Di naman ako nagmamadali.
Naghihintay lamang ng tamang sandali.
Huwag mo sana akong paasahin sa wala.
Kung di pwede ay sabihin mo na.
Repeat Chorus.
Sana tayo na.
Sana tayo na.
Sana...