******KUNG TAYO'Y MAGKAKALAYO******
alam mo ba mahal isa lang nais kong ipabatid sayo
na sana ayokong mawala ka sa aking piling
pati na rin saking damdamin
kasi ikaw lang at wala ng iba pang
nakatatak at nakaukit saking puso't isipan
at yan ang palagi mong pakakatandaan
mahal ko para sayo pakinggan mo ito
1srt verse
sayong mga mata na parang isang bituin
ayokong mawala ka dito saking paningin
alam mo ba mahal kung tayo'y magkakalayo
hindi ko na kaya pang mabuhay pa sa mundong ito
minuto't oras tumatakbo sa aking isipan
ang maganda mong mukha sa utak ko nakalarawan
hindi kita iiwan kahit ano man ang mangyari
kasi sa puso mo ako parin mananatili
kasakasama hanggang sa aking pagtulog
bumagyo man ito at kahit ito'y kumulog
sasamahan ka kahit abutin man ng umaga
hanggang sa malaman mo na lagi mong kasama
ng ikaw ay magising at ang una mong nakita
ang mukha kong ito ng iyo ng inaasam-asam na
para bang ika'y lagi nalang nababaliw
giliw at ikaw ba ay sa akin naaaliw
***CHORUS***
Kung tayo'y magkakalayo
At kahit mayroon ka nang iba
Ikaw pa rin ang buhay ko kahit ika'y malayo na
Kung tayo'y magkakalayo ang tanging iisipin ko
Walang masayang na sandali
Habang kita'y kasama
2nd verse
basta't wagka lang mawawala sa aking piling
dahil ito lang ang tangi kong hinihiling
pagbigyan mo sana ang puso kong nadarama
na sana'y maramdaman mo at iyo ng mapuna
hinawakan ko ang yong kamay na napakalambot
parang ang puso kong ito hindi na muling iikot
dahil ikaw na at wala ng ibang mamahalin
na sana dingginin mo ang aking mga panalangin
ang pag-ibig ko sayo ay tunay at totoo
paniwalaan mo sinusumpa nitong puso ko
mapako man ang ating mga pinangako
hindi parin magbabago maglalaho mahal ko
basta para sayo lahat ay aking gagawin
kahit ang hinihinga ko ay nabibitin
ako ang dipadyak na parang isang bisikleta
at ikaw naman ang motorinong may susi na dibira
***CHORUS***
Kung tayo'y magkakalayo
At kahit mayroon ka nang iba
Ikaw pa rin ang buhay ko kahit ika'y malayo na
Kung tayo'y magkakalayo ang tanging iisipin ko
Walang masayang na sandali
Habang kita'y kasama
3rd verse
ang puso ko bigla nalang na itong nabuhay
kapag kahawak ko na ang iyong mga kamay
dahil sayo nabuo ang aking mga pangarap
ng makita ko ang mata mong kumikislap
para isa itong bituing kumikinang
na nagniningning na dapat ay sakin lamang
at ikaw lang ang aking isinisigaw
ang buka nitong bibig ay para bang humihiyaw
mahal ko ikaw lang ang aking iibigin
kahit anong mangyari ikaw parin mamahalin
supma ko man sayo hindi ito maglalaho
basta't kapaling ka at wag sanang magbago
sa pag-iisa ko ikaw lagi kong naaalala
sa paglalakbay ko lagi kitang nakikita
kaya sa kantang ito kung tayo'y magkakayo
ayoko na sana pang mabuhay pa sa mundong ito
***CHORUS***
Kung tayo'y magkakalayo
At kahit mayroon ka nang iba
Ikaw pa rin ang buhay ko kahit ika'y malayo na
Kung tayo'y magkakalayo ang tanging iisipin ko
Walang masayang na sandali
Habang kita'y kasama
Kung tayo'y magkakalayo ang tanging iisipin ko
Walang masayang na sandali
Habang kita'y kasama
Kung tayo'y magkakalayo maging tapat ka pa kaya
Ibigin mo pa kaya ako kahit ako'y malayo na
Aking nadarama pagsasama nati'y `di magtatagal
Kay laki ng hadlang sa ating pag_ibig
Kung tayo'y magkakalayo mapapatawad mo ba ako
Sa paghihirap na dulot ko sa buhay mo
Aking nadarama pagsasama nati'y `di magtatagal
Kay laki ng hadlang sa ating pag_ibig
Kung tayo'y magkakalayo
At kahit mayroon ka nang iba
Ikaw pa rin ang buhay ko kahit ika'y malayo na
Ikaw pa rin ang buhay ko kahit ika'y malayo na