( Ngayong Wala Ka Na )
(Verse 1)
Naging madali para sa akin ang naging disisyon
Na iwanan ka bat tila kay sakit na ngayon
Ngayon ko lang narealize na di ko kayang mag isa
Sana mapatawad mo ako aking sinta
Pinagsisihan kong pinabayaan kita
At sa pagkawalang bahala ng iwanan kita
Imbis na pahalagahan ko ang yong mga sakripisyo
Bagkos sinaktan pa kita at yan ay akin pang binisyo
Sa kasalanang nagawa ako nayo'y namulat
Pumapatak ang luha ko habang isinusulat
Ang kantang to na ginawa ko para sayo
Sorry na balik ka na sa piling ko mahal ko
Bigyan ng pagkakataon muli akong tanggapin
Pangako ko na habang buhay na kitang mamahalin
Maghihintay parin ako't aasang mapapawi
Ang luha ko at balang araw puso mo'y mabawi
(Chorus)
Ngayong wala ka na sinta
Umaasa parin na magasama
Kahit di man tayo para sa isa't isa
Isipin mo nalang..........
Na minsan ay minahal kita ah............
(Verse 2)
Parang binagsakan ng malas ang isang katulad ko
Hindi naman ako nanloko bakit ako'y iniwan mo
Oh kay saklap para sakin ngayong wala ka na sa tabe
Dati nating ngiti ngayon napalitan ng hikbe
Ng dahil lang sa isang luho na hindi mo natamo
Nagawa mo agad bitawan ang mga pangako mo
Kahit ang aking buhay ibinigay ng taos
Hindi paba sapat yon upang mahalin ng lubos
Kahit wala ka na umaasa parin na magsasama
Dahil hanggang ngayon mahal parin kita aking sinta
Hindi mo ba naaalala ang ating pinagsamahan
At pangakong habang buhay ay walang iwanan
Ang bumalik ka saking piling
Eto lang naman ang tangi kong hiling
Kung pwede ko lang maibalik ang ating relasyon
At ang pagmamahal mo sakin ay muling ituon
(Repeat Chorus)
(Verse 3)
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman
Bakas parin sa aking puso't sa aking isipan
Hapdi di makayanan sa twing naiisip ka
Muli ako'y humihiling na sana'y bumalik ka
I really love you but i hurt you sorry for what i've done
Ngayon ako'y nanghihinayang girl now that your gone
Sana ako'y pakinggan sana ang awit ko'y umabot
Sana marinig pagsusumamo ko't wag makalimot
Sa ating nakaraan at sa nasirang relasyon
Bumalik kalang mahal pangakong babaguhin yon
Hindi ko man nasuklian pagmamahal mo noon
Ang pagsisisi ko nama'y sagad sagad hanggang ngayon
Please give me one last chance aking patutunayan
Wala ng papatak na luha pangako ko yan
Kung ako ang dahilan ng puso mong sugatan
Alam ko rin ang paraan kung pano gagaling yan
( Repeat Chorus )