hai? we are SAMGID hehe...
Story behind the song
sa samahan nating binuhay...
Lyrics
SAMAHAN
Lyrics by: AL lester BERCHES
Music by: AL lester BERCHES
I
Lagi akong masaya,sa tuwing barkada’y laging kasama
Kahit na may roong problema, ito’y nawawala namang bigla
Sa aming samahan, ay walang patid ang kasiyahan
Na aking nararamdaman, pag-nagsimulang magkantahan
Pag mayroong nagtatampo, ay agad naming sinusuyo
Upang hindi magtanim ng sama ng loob sa aming grupo
(CHORUS)
Ang ating samahan
Patibayin at wag sanang malimutan
Upang sa muli nating pagkikita
Tayo ay masaya kaibigan
(Repeat 2x)
II
Sa ating pagtanda, samahan kaya’y bigla naring mawawala
Iiwan at kakalimutan, wag naman sana kaibigan
Upang sa pagsilang ng ating mga panganay
Mamulat sila sa samahan na ating binuhay
Upang malaman ang tunay na pakikisama
(Repeat CHORUS)
Ang ating samahan
Patibayin at wag sanang kalimutan
Upang sa muli nating pagkikita
Tayo ay masaya kaibigan. . . . .
Comments
The artist currently doesn't allow comments.