Chorus:
Di malimutan ang ginaw
at init na sumisingaw,
sayaw ng magkatunggaling
damdamin;
Natatakot, nababaliw,
nagagalit, naaaliw,
ngisi ng buwan ngayon
ang 'yong huling bilin
sa akin.
Patak ng luha at dugo,
naghalo na sa kamay ko,
hawak na nga kita ngunit wala ka na.
yakap na sobra ang higpit,
di makagalaw, tali't ipit;
kanina lang tayo'y magkahawak-tingin.
(chorus)
dahan-dahan nakawala,
ngunit wala 'kong magawa;
kahit di mo nais
sumama sa kanya.
haplos ng latigong kamay,
hawak-sakal, agaw-buhay;
'sang sandaling walang saysay,
walang malay.