I wrote this song while I was driving along the long stretch of EDSA. Then, there's this stupid bus cut me and changed it's lane.
Lyrics
PUV
j.copiaco
I
Ang lupit mong sumingit
Ang lupit ng diskarte mo
Overtake dito
Overtake doon
Nakakapang-init ng ulo
II
Hindi ka takot sa mga pulis
Wala kang sinasanto
Todo ang bilis
Todo ang takbo
Hataw ang iyong Harurot
Chorus:
Easy ka lang! Pare ko…
At makakarating din tayo
Easy ka lang magmaneho…
Hinay-hinay lang
Hinay-hinay lang…
III
Tawag sa inyo ay Hari
Araw-gabi kung lumagare
Singit ka dito
Singit ka doon
Tawag sayo’y barumbado!
IV
Usok ng iyong tambutso
Dagdag pang iyong sigarilyo
Sige lang buga
Kahit sa umaga
‘di ka na samin naawa!