Check out the artist page.
Stream all 4 songs for free.
Lyrics
"Gusto Kita"
ako'y naguguluhan
hindi ko maintindihan
kung saan,
sa kaliwa ba o sa kanan?
dalagang pwede sa lalaki at babae
ang puso ko ay tila ba hindi ko mabalanse
nakatingin sa langit at nakikibagay
sa mga bituin na parang di nalulumbay
kumikinang pa rin kahit sila'y naiiba
hindi nakikinig sa sasabihin ng iba
Gusto kita, gustong gusto kita
ikaw na mahaba ang buhok
maganda't mapungay ang mata
malambot ang mga labi mo
babae ka, pareho tayo
sa tuwing nagtatagpo ang ating mata
di mapigilan ang ngiting may kaba
nagtataka sayong biglang paglapit
kung bakit naakit sa bawat kilos
mong may malasakit
nalilito... may tayo?
malabo, pusong pabago bago
maling mali ito...
papaano? ang gulo,
pagkat babae tayo
Gusto kita, gustong gusto kita,
ikaw na maamo ang mukha at
tunay na naiiba,
halika sa palasyo ko,
prinsesa ka, pareho tayo
hindi ka mumurahin
mas masarap kang mahalin
hindi ko akalain
na ang langit ngumiti na rin
Ang titig mo'y nakatanim
sa utak kong naninimdim
kakaiba ka maglambing
lagi ka rin nagniningning
hindi ko rin sinasadya
kung minahal na nga kita
sa bawat pagkikita
at kamay mong maalaga
prinsesa sa prinsesa
reyna nagmahal ng reyna
hindi to love story
na ang prinsipe ang bida
Gusto kita, gustong gusto kita
ikaw na mahaba ang buhok
maganda't mapungay ang mata
malambot ang mga labi mo
babae ka, pareho tayo