Isang oras na akong naghihintay
Hindi na makasiguro kung darating ka pa
Pa’no iiwasang magtampo
Halos hindi mapalagay sa pagaalala
Huwag mong sabihin ang mga paliwanag mo
Na lagi kong naririnig sa iyo
Huwag na nating pagusapan
Huwag na nating dagdagan ang mga problema
Yun lang naman ang hinihiling
At ayoko nang malaman
Ang mga naglalaro sa iyong isipan
Sana ay huwag mo nang sabihin
Walang patutunguhan ang pagbibiro
Hindi mo na maibabalik ang oras na nawala