Pag-ibig koy Totoo - Hizuka & Khimzu
Hizuka & Khimzu :) para sa asawaq :)
mga simpleng makata lang po na di naman naghahangad na yumaman sa pagsusulat ng kanta...tanging nais lang ay makapagpasaya ng ibang tao sa pamamagitan ng hinaha
Story behind the song
naisulat ko lang naman para sa isang babaeng boses lalake na mahal na mahal ko :)
Lyrics
itong tulang sinulat ko tanging sayo hinahandog
pagmamahal koy di masukat dahil sayo akoy hambog
parang gusto kong mag amok sa tuwing meron kang kachika
babasagin ko mukha nila at ng iyong makita
kung pano ako magselos gusto ko lang maniguro
hangad ko lang masolo ka wag makinig sa puro
kuro kurot haka hakang sayo ay binabalita
inggit lang sila dahil ako ang una mong nakita
pambihirang kakyutan at kagandahang nagpa
tibok ng kaybilis sa puso ko wag kang mangamba
na ikay aking lolokohin lang at iiwanan balang araw
magtiwala ka lang sakin dahil wala kang kaagaw
pag-ibig koy sayo ko lamang ipapadama
paniwalaan mo ikaw lang gustong maka sama
makatabe sa kama at makayakap sa twina
wala man akong palasyo ikaw lang ang aking reyna
chorus:
salamat sa lahat lalong lalo na sa pagmamahal na inalay mo
di ko to sasayangin hinding hindi ka na luluha saking piling
ano man ang mangyari hawak kamay nating lalabanan anuman ang dumating
pagkat ang pag-ibig ko sayoy totoo magtiwala ka lang sakin
sana naman sa aking ka sweetan ay wag kang magsawa
patuloy kong ipagsisigawan na ikaw lamang ang aking asawa
kahit madaming nakapaligid sayot nagtatangkang sumapaw
kailanmay di kita isusuko sinuman ang gustong umagaw
isusugal lahat kahit di na ko mag casino
aminadong baduy minsan binobola kahit na sino
atlist hindi ako sinungaling di nagpapaasa
mayabang kahit na minsan wala pang natamasa
hindi kilala ng masa hindi gwapo at mayaman
walang lupa na pwedeng tamnan ng gusto mong halaman
walang sasakyan kahit na bisekletang kalawangin
tanging letra lang sa utak ko ang di kayang bilangin
laging kang patatawanin wag ka lang maiihi ha
at pag dumating ang araw na ikay maglilihi na
wag mo lang hihilingin na ika ay aking iwanan
dahil di ko gagawin yon kahit na magkamatayan
hindi ako naging mabuting tao at sa dami ng
nagawa kong kagaguhan at mga kamaliang
di malilimutan habang buhay ng nakatatak
sa pusot isip ko minsan bigla na lang pumapatak
ang luha ko sa tuwing tayong dalawa ay nagkukwentuhan
inaasam na dito ka lang lagi sa kandungan
at ng aking kalungkutan ay mapawi mong lahat
lagi na lang akong natatakam sa labi mot kagat
kahit na minamalat ay lagi kang kakantahan
hanggang sa makatulog kay patuloy kang babantayan
hindi ko lang papantayan lalo ko pang pagtitibayin
ang pagmamahalan araw araw kitang hahalayin
hindi kita aawayin kahit na may dalaw ka't
nagsusungit dahil alam kong lambing mo lamang yun at
gusto mo lang sinusuyo at laging hinaharana ko
lahat magagawa ko para lang sayo asawa ko
Comments
The artist currently doesn't allow comments.