patawarin nyo po ako sa nagawa kong kasalanan akin na pong pinagsisihan mga nagawa kong kamalian nagkamali man ako ng minsan sanay inyong mapatawad mahal tayo ng diyos syay marunong magpatawad
im Critical uno from VAL2CALREC SOLIDONG BREEZY 2011
Lyrics
patawarin nyo po ako sa nagawa kong kasalanan
akin na pong pinagsisihan mga nagawa kong kamalian
nagkamali man ako ng minsan sanay inyong mapatawad
mahal tayo ng diyos syay marunong magpatawad
1rst verse
ako po si reynaldo de jesus kong alam nyo pa
dating magulo't pilyo ngayon ay nagbago na
iniwasan ko na mga masamang gawain
akoy natuto na sa itaas ay manalangin
pero di ako perpekto nakakagawa din ng kamalian
mga nagawang kamalian aking pinagsisihan
sa diyos at sa pamilya ko sa mga kaibigan ko
patawarin nyo ako kung minsan ay lokoloko
pero wag mag alala ' lahat ay binago na
masama na pangitain lahat ay limot kona
dina mauulit pa mga nagawang pagkakamali
pero minsan pilyo nga ako parin nagkakamali
minsan makulit ako pagpasensyahan ako
unawain nyo ako , diyos mahal ko po kayo
gabayan nyo po ako , nagpapasalamat saiyo
dahil pinagbigyan ako upang manatili sa mundo
chorus
patawarin nyo po ako sa nagawa kong kasalanan
akin na pong pinagsisihan mga nagawa kong kamalian
nagkamali man ako minsan sanay inyong mapatawad
mahal tayo ng diyos syay marunong magpatawad
2nd verse
sa mga kaibigan ko na minsan ay ginoyo ko
sinamantala ko ang mga kabutihang dulot nyo
laking pasasalamat ko dahil nandyan parin kayo
sa tuwing mayron akong problema sainyo tumatakbo
kayo ang naging sandalan ko , kayong naging karamay ko
sa hirap at lungkot ng buhay kayo ay kasama ko
sana ay walang magbabago satin kaibigan ko
dahil parang kayo nadin pangalawang pamilya ko
alam kong napakaraming pagsubok sa magkakaibigan
pagkakaibigan na kahit kailan di malilimutan
ang mga pinag samahan higit pa sa kapatiran
lalaban pa ng patayan maipagtanggol kalang
at kahit di mo kasalanan aakuin mo na lamang
para saiyong kaibigan gagawin ng pabalang
ngayon ay alam kong kung pano ituwid ang kamalian
kaibigan akoy samahan ating harapin ang kinabukasan
chorus
patawarin nyo po ako sa nagawa kong kasalanan
akin na pong pinagsisihan mga nagawa kong kamalian
nagkamali man ako minsan sanay inyong mapatawad
mahal tayo ng diyos syay marunong magpatawad
3rdverse
at sa aking ama na palagi akong binabantayan
sa aking ina palagi akong pinagsasavihan
na magtino na daw at wag gumawa ng katarantaduhan
salamat po sa mga payo aking napapakinggan
at pag pasensyahan nyo na kung minsan di nyo magustuhan
ang pag uugali kong pilyo at may kabastusan
paumanhin po talga kung naging pasaway ako
darating din ang panahon na magbabago din ako
lahat lahat ay susundin ang mga inuutos nyo
dina babalewalain ang mga pinapayo nyo
at magiging mabuting anak na po ako sainyo
lalong lalo na po sa
bunsong kapatid ko
at sa tito at tita palagi nakikinig saakin
kahit paulit ulit sinasavi ko di magawang palayasin
at sa mga pinsan kong mula valenzuela at caloocan
salamat sainyo minahal ako kahit akoy may kalokohan