Song picture
Bumalik Ka Na
Play
Pause
Share
Free download
Line Up: gNx , Jhaywun & Edward Chorus: gNx (Collaboration 2009)
Charts
#64,508 today Peak #121
#1,154 in subgenre today Peak #2
Uploaded
October 04, 2009
MP3
MP3 4.0 MB, 128 kbps, 4:25
Lyrics
1ST VERSE: gNx Minsan aking naisip kung bakit nagka ganito Ang ating relasyon na dati'y sing-tigas nga ng bato Pero ngayon bakit bigla na lang nag-iba At bakit sa pag gising ko ako na lang mag isa Wala ka na saking tabi, ako'y tinalikuran mo Pati ating nakaraan ay kinalimutan mo Pero kahit na ganyan ang 'yong ginawa Mahal parin kita kahit ako'y 'yong kinaliwa Hanggang ngayo'y mahal kita at 'di ko yun matanggi Sa puso ko ikaw parin nag-iisang babae Ano ba dapat kong gawin para ika'y bumalik At kung kinakailangan pang sa lupa ay humalik Ay handa ko na gawin mapasaakin ka lang muli At magsasama na tayo sa umpisa at hanggang huli Sapagkat miss na miss na kita At sana huwag ka na muli pang umalis sinta CHORUS: gNx Sana'y bumalik ka na Sa aking piling oh sinta Pagkat walang iba Kundi ikaw lang at ako At kung maibabalik ko lang Ang ating mga nagdaan Pangako ko sayo Ikaw na ay iingatan ko 2ND VERSE: Jhaywun Ang sitwasyon na ganto, di ko makakaya Alak dito, alak doon, alak sa bawat umaga Umaasa na muli kang mapapasakin Aking gagawin lahat upang mabalik sakin Ang dati mong pagmamahal na tapat at lubos Handang isugal ang buhay huwag lang matapos Ang pundasyon na sinimulan nating dalawa Dahil miss na miss ko na nung tayo'y nagsasama Halos di na makatulog at di na makakain Dahil nagbabakasakali na ikaw ay dumating At kung sakaling ayaw mo nang bumalik talaga Maghihintay parin ako muli paring aasa Pero nahihirapan na, sana ito'y makayanan pa Hindi ko na magawang maisip na wala ka na talaga Kaya ngayon ano pa ba ang aking gagawin Kahit anong libang ko sa sarili ay ganun parin (REPEAT CHORUS) 3RD VERSE: EDWARD Naalala ko parin habang hawak ko iyong kamay Hinahatid ka sa trabaho pati na rin sa bahay Ako ang taga bantay kapag ika'y nag-iisa Ako rin taga punas ng mga luha sa 'yong mata Kapag ika'y may problema ako ang taga payo Pinangako mo sakin na hindi ka na lalayo Pero bigla na lang nag bago nung ako'y nilisan Sa iyong pagkawala na hindi ko inaasahan At sana naman muli mo na 'kong balikan Tamis ng iyong halik na gusto ko nang matikman Kay hirap kalimutan ang isang katulad mo Sa munti kong pangarap ikaw ang nag buo Pero bakit ganon, hindi ko na matinag Ang katulad mo kaya nawalan ako ng linawag Hindi ka nagpaliwanag agad ka umalis Kahit wala kana ako pari'y mag titiis (REPEAT CHORUS) OUTRO: Ikaw na ay iingatan ko COLLABO '09
Community
Appears on
Comment
Please sign up or log in to post a comment.