gNx MvR Produktionz
INTRO:
Bata: Kuya, kuya pwede bang magtanong?
gNx: Oh, bakit ano yun?
Bata: Gusto ko lang sanang tanungin kung ano ba ang rap para sayo..
gNx: Ang rap, para saken? Ganito yan eh, makinig ka...
1ST VERSE
Ano ba ang rap? kung ako'ng tatanungin
Kailangan ko pa ba ito na sagutin?
Ang rap para sakin ay isa lamang libangan
Di ako nagrarap dahil aking kailangan
Ng pera, hindi ko yan inaalala
At di ko rin ninais ang ako ay makilala
Ang sa akin lang ginagawa ko lang ang gusto ko
Kaya wag mong ikumpara ang gusto ko sa gusto mo
Mula sa pagkabata ito'y nakahiligan
Nagrarap sa kalye kasama ang mga kaibigan
Iba ibang rappers pa mga uso nuon
At iba ibang rappers na rin ang uso ngayon
Marami ang sumikat marami rin ang nalaos
Pero ang rap hindi pa dito nagtatapos
Ako at ang rap ay di pwedeng ipaglayo
Ganyan ang rap para sa akin eh ano naman para sayo
CHORUS:
Ano nga ba ang rap para sa iyo
Ano ba ang rap
Ano ba ang rap para sayo
Ano nga ba ang rap para sa iyo
Ano ba ang rap
Ano ba ang rap para sayo
2ND VERSE
Para sakin ang rap ay simple lamang
Ang mga paarte ay hindi na kailangan
Ang bawat salita ay dapat mo na aralin
Pero di na kailangan pang ikay magpakalalim
Kasi akala ng iba porket malalim, matinde
Pero sa sinabi nya sya lang ang naka intinde
Meron namang iba na masyadong mahangin
Pero kapag nag rarap ay "non sense" kung tawagin
At syempre, hindi na to mawawala
Ang tipo ng rapper na puro lang dada
Nakagawa lang ng kanta akala mo na kung sino
Natuto lang mag rap wala ng sini-sino
Aba'y wag nyong hayaan na ang ulo lumake
Kung ikaw ay magaling e di iyong pagmalake
Eh kung banyut ka naman, manahimik k n lang
Gusto mong galangin ka, e di matuto kang gumalang
REPEAT CHORUS
OUTRO:
Ano nga ba ang rap para sa iyo
Ano ba ang rap
Ano ba ang rap
MVR PRODUKTIONZ 2009