PANDEMYA Kung sinong may gusto, sa'yo na ang mundo Mundo ng katawan at isipan Magpakialanpaman ako'y titira sa meditasyon kung saan may tungungan. Kung sinong may gusto, sayo na ang mundo, Ang kantang ito ay naisulat sa panahon ng Covid-19 Pand
PANDEMYA
Kung sinong may gusto, sa'yo na ang mundo
Mundo ng katawan at isipan
Magpakialanpaman ako'y titira
sa meditasyon kung saan may tungungan.
Kung sinong may gusto, sayo na ang mundo,
akong ispirito, ayoko na rito.
Govinda, ang pangalan Mo, ang pagkain ko, sa araw-araw.
Ang katinuan ay nakakamtan sa pananatili sa sariling kapayapaan.
Om Hari Om
Nahulog sa bangin ng galit at inggit
sa paghahanap sustansiya sa mundo ng internet
huwag ka magkalat sa harap ng lahat
pulutin ang 'yong diwa sa karunungan iligpit.
Kung sinong may gusto, sa'yo na ang mundo
Mundo ng katawan at isipan
Magpakialanpaman ako'y titira
sa meditasyon kung saan may tungungan.
Kung sinong may gusto, sayo na ang mundo,
akong ispirito, ayoko na rito.
Govinda, ang pangalan Mo, ang pagkain ko, sa araw-araw.
Ang katinuan ay nakakamtan sa pananatili sa sariling kapayapaan.
Om Hari Om.
Kay tagal nang may pandemya ang mundong ito
sakit ng galit, inggit at pagkalito
laganap na lungkot at malubhang pag-aasam
sa makikinang na mga pambalot ngunit walang laman
Nais makalaya sa apat na sulok ng bagot
magliwaliw ng walang direksiyon sa kawalang kahulugan
di alam na saang lugar man ang mapuntahan
nakakulong sa apat na sulok ng katiyakan
pagsilang, karamdaman, katandaan, at kamatayan.
Kung sinong may gusto, sa'yo na ang mundo
Mundo ng katawan at isipan
Magpakialanpaman ako'y titira
sa meditasyon ng Iyong mga Pangalan.
Kung sinong may gusto, sayo na ang mundo,
akong ispirito, ayoko na rito.
Govinda, ang pangalan Mo, ang pagkain ko, sa araw-araw.
Ang kalaaan ay nakakamtan sa pananatili sa sariling kapanatagan
Om Hari Om
Lumabas paloob, pansinin ang halata,
kilalanin ang akala'y kaytagal nang kakilala
Ang sarili'y tuklasin, sino ka ba talaga
Ang liwanag ng buhay na nababalot ng dilim
Govinda, ang pangalan Mo, ang pagkain ko, sa araw-araw.
Ang katinuan ay nakakamtan sa pananatili sa sariling kapayapaan.
Om Hari Om