( Bakit Nilisan Mo )
( Verse 1 )
Sa pagpatak ng ulan hindi ko mapigilan ang lumuha
Dahil sayong pagkawala ako ngayo'y natulala
Sa isang tabi araw gabi kitang hinahanap
Ikaw ang gustong makasama at gusto kong makayakap
Sa lamig ng panahon sa puso kong nakabaon
Ang pangalan mo at sulat mo na gusto ko ng itapon
Siguro nga mali ako na umibig sa iyo
Pero mali na kung mali mahalaga malaman mo
Na mayroong isang tao na nagmamahal sayo
At umaasa na muli kang magbalik
Pagkat ako'y nananabik sa mga yakap at halik
Nating dalawa ngayong wala kana paano na ako
Paano na buhay ko wala naring dahilan
Upang mabuhay sa mundo na kinalalagyan
Paano na ang puso ko ngayong wala kana sa piling ko
Pagkat ikaw lang ang nilalaman ng buhay ko
( Chorus )
Di ko lubos maisip kung bakit bigla ka na lamang nagbago oh......
Kulang pa ba ang pag ibig na inalay ko sayo kung bat ako'y nilisan mo....
( Verse 2 )
Ang sabi mo bawat pangako ay may katuparan
Ang sabi mo sa piling ko hinding hindi lilisan
Ngunit bakit ganun iniwan mong nagiisa
Ngayon wala ka saking tabi at sumama sa iba
Hindi ko maintindihan bakit biglang nagbago
Pagmamahal na kay tamis unti unting naglaho
Halo mundo'y gumuho ng ako ay iyong lisanin
Masakit man tanggapon pero hindi kana sa akin
Ibinigay naman lahat ng iyong maibigan
Puso ko't isipan sa iyo ko lang inilaan
Hindi pa ba sapat yan para aking mapatunayan
Na ikaw lang ang mahal humantong man sa kamatayan
Hiling ko lang sana sinta wag ibaon sa limot
Mga magandang alaala na aking dinulot
At lagi mong tatandaan na mahal parin kita
Kahit na pinagpalit mo lang ako sa kanya
( Repeat Chorus )
( Verse 3 )
Ano ang pagkakamale mahal bakit iniwan
Pangako na walang hangganan ngayon ay nasan
Ano ba ang dahilan bakit bigla ka nalang nagbago
At pagmamahal mo sakin ay bigla nalang naglaho
Kaya pala kapag kausap ka wala kang imek
At madalas iniiwasan mo ang aking halek
Ito ba ang kapalet sa pagmamahal sayong binuhos
Hindi mapigil ang pagpatak ng luha ko halos bumuhos
Ang bawat utos at hiling lahat sayo binigay
Buong buhay ko sa iyo halos aking ialay
Ganyan kita kamahal ganyan ka kahalaga sa akin
Hindi pa ba sapat lahat bat kay dali akong lisanin
Hindi na kakayanin ng puso ko ngayong wala ka
Buhat ng iniwan mo buhay ko'y wala ng kwenta
Ganito nalang ba wala nabang patutunguhan
Kailangang tiisin ko ang sakit at kalungkutan
( Repeat Chorus )