Song picture
LIHAM
Play
Pause
Comment Share
A collaboration among five hip-hop artists collectively known as FULLCLIP who 'wrote a love letter' as a song.
Charts
#92,015 today Peak #250
#56,480 in subgenre today Peak #122
Author
Fullclip
Rights
Access 2 MYusik Co.
Uploaded
December 23, 2007
MP3
MP3 4.8 MB, 128 kbps, 5:12
Story behind the song
Music and lyrics by Arvie Louis Marasigan aka Gauge, Bryan Arvin Roquero aka Xzite, Alvin Guillermo aka Gimo, Earl Manzano aka Domino and Michael Manzano aka Spade (collectively known as Fullclip) Arranged by John Paul Ege of beat.productions Additional beat effects by Mandi Ferrer Performed by Fullclip Recorded at MandiMusic Studio Mixed and mastered by Mandi Ferrer for Access 2 MYusik Co. Published by Access 2 MYusik Co. Personal experiences ang naging inspiration namin sa paggawa ng kantang ito. Lahat naman ng lalaki nagkakaroon ng crush, pero iba-iba ang paraan kung paano sasabihin sa babae ang mararamdaman namin. Kung minsan, hindi namin masabi face to face, and the easier way ay daanin sa letter. Tinapos namin itong kanta within one week. Under pressure kami dahil marami kaming ginawang pagbabago compared sa first demo na ipinasa namin. Sa lahat ng taong in love pero hindi masabi ang nararamdaman nila, para sa inyo ang kantang ito. - FULLCLIP Profile of FULLCLIP Hip-Hop group FULLCLIP is composed of Arvie aka Gauge, Earl aka Domino, Bryan aka Xzite, Alvin aka Gimo and Michael aka Spade. They started writing songs in 2006. Greatly influenced by Francis M., it is their love for hip-hop that binds them together as a group. They are not afraid to experiment and to be different regarding their style of music. Songwriting and performing are what they really want to do, earning is just secondary. The song was completed with John Paul Ege of beat.productions, who is based in the US, providing the arrangement.
Lyrics
Liham (Arvie Louis Marasigan, Bryan Arvin Roquero, Alvin Guillermo, Earl Manzano and Michael Manzano collectively known as Fullclip) Chorus: Sana ay masabi Ng liham ang nadarama ‘Pagkat ako’y nangangambang Baka ‘di mo mapuna Na may isang nagmamahal Nangangarap na mahagkan ka I ‘Di ako mapakali sa t’wing ikaw ay nakikita Sana nga ika’y malapitan pero ba’t nahihiya Ang makausap at makasama, ikaw ang tanging kahilingan Napupudpod sa kakaisip, kelan kaya pagbibigyan Sa bawat araw na lumipas lalong ‘di makatiis Nalulungkot kapag ikaw na nga naman ang aalis Naiinis bakit kasi hindi ko pa masabi Na minamahal kita at ‘di kaya isang tabi Ang aking nadarama sa ‘yo ay totoo ‘Di na magbabago kahit tuktukan pa ng bato Masabi lang sa ‘yo na ika’y mahalaga ‘Di na kelangan mangamba ‘pagkat ako’y nandito na Dahil ‘di ako ‘yung tipo na sasaktan ka At lalong ‘di ako ‘yung tipo na paluluhain ka Ako’ng magtatanggol sa ‘yo kapag wala kang kakampi Piliin mo lang ako ‘di na mawawala sa ‘yong tabi II Sa paglipas ng oras nag-aabang ng panibagong bukas Ang pagtingin sa ‘yo yan ay hindi kukupas Kahit na malapit ka mukha ka pa ring malayo Siguro nga ang makausap ka ay sobrang labo Dahil walang lakas ng loob ako’y ulila Hanggang ngayon para akong walang sinding kandila Sana man lang ako ay iyong tignan Para lagyan ng sulat ang diary’ng walang laman ‘Di alam kung bakit ako nagkakaganito Siguro nga ang damdamin ay nahulog na sa iyo Ikaw ang kalawakan na ginagalawan ng mundo ko Ikaw ang babae na sinisigaw ng puso ko Marahil hindi pa ngayon ang tamang panahon Hindi sasayangin kung bigyan ng pagkakataon Sa pagpatak ng ulan kasabay ang kalungkutan Ang eksenang ‘di tapos sana naman madugtungan Chorus: Sana ay masabi Ng liham ang nadarama ‘Pagkat ako’y nangangambang Baka ‘di mo mapuna Na may isang nagmamahal Nangangarap na mahagkan ka III Mamahalin kita ng todo pati pamato’t panabla Ibibigay lahat sa ‘yo kahit sa ‘kin walang matira Eto ang linyang gusto ko sa ‘yong iparating Pero kapag nandyan ka na parang ang hirap bigkasin Sabihin sa ‘yo na mahal na nga kita Idinaan ko na lang sa liham para iyong mapuna At mabasa, malaman aking nadarama Gagawin ko ang lahat para ika’y mapaligaya At sana kahit papa’no ako’y iyong mapansin Alam mo na ba na ikaw lang ang tangi kong hiling At hanggang ngayon sa ‘yong “oo” ay umaasa Na makasama nga kita hanggang sa ako ay matanda na Masaya na ako na ika’y mapagsilbihan At sa buhay kong ito ikaw ang tanging dahilan Ng kasiyahan ko kahit hindi mo pa alam Napahulog mo ang loob ko ng ‘di mo namamalayan IV Malamig ang gabi, sa isip yakap ka sa ‘king tabi Pagmamahal nadarama wala kang masasabi Sana maabot ang bituing minimithi Sa ‘yong ningning sumisigla at naghuhugis ng ngiti Hinihintay sumapit ang umaga nang ika’y masulyapan At alam ko sa ‘yo walang karapatan Kailanman nandito na para bang si Superman Magmamasid-masid kahit pag-ibig ‘di pa nga alam Nahihirapan ang sarili dahil ika’y malayo ‘Di mabuksan ang tadhana at sapin sarado Kahit bugbugin, bastusin, apihin – pangako Ikaw pa rin mamahalin, aabutin – pangako Ang daing ng aking puso sa ‘kin ay lubos Na makasama ka kahit kanino makikipagtuos Parang araw at gabi pag-ibig ‘di na matatapos Damhin mo ang aking lihan at iyong mahaplos Chorus: Sana ay masabi Ng liham ang nadarama ‘Pagkat ako’y nangangambang Baka ‘di mo mapuna Na may isang nagmamahal Nangangarap na mahagkan ka V Mula noon hanggang ngayon ikaw na ang aking hiling Unang sulyap pa lang sa ‘yo inibig ka na ng palihim Parang si Lupin na napako ang mata kay Fujiko Walang ibang nais kundi mapalapit sa ‘yo Pikit-matang nangarap na baka ‘sang araw mapansin ‘Sang tagahangang tulad ko ay matutuhang mahalin Ngunit hirap na bigkasin, sabihin at aminin na Mahal kita isisigaw ba para mapuna Dahil ang makasama ka kahit sa panaginip lang Hindi man sa realidad, kahit kathang-isip na lang Ay mangyari pa rin ang pinapangarap n
Community
Appears on
Comment
Please sign up or log in to post a comment.