Song picture
Patawad Inay by JC SACRAMENTO
Comment Share
Free download
hiphop rap hip hop of sacramento jc rapper pinoy pinoy rap fame pinoyhiphop kalibre pinas fof sikat jcsacramento
Check out the artist page.
Stream all 2 songs for free.
Song Info
Charts
#94,478 today Peak #190
#58,103 in subgenre Peak #83
Author
A.M.B.I.T.O.
Rights
A.M.B.I.T.O.
Uploaded
October 24, 2007
Track Files
MP3
MP3 4.3 MB 128 kbps 4:42
Lyrics
Patawad Inay Heto ako ngayon at nasa harap niyo at lumuluhod Para bang naligaw ng landas sa ngayon nagbabalik-loob Kahit na pumikit ang mata, pilit na luha ko'y pumapatak Kahit dugo man ang umagos hindi pa sasapat Sa mga pagkukulang ko sa magulang ko, kahit ng sila ginugulang ko Natutunan ko sa paggising ko, wala mga mahal sa buhay ko Akala ko naman di ko na sila kailangan, pagdating ng panahong mangailangan Di man lang nag-alinlangan na mag-isip para sa kinabukasan Sa mga sinayang ko na panahon, abala sa pagiging 'sang maton Tingnan mo naman sana ako ngayon,buhay ito ng isang patapon Ang mag payo mo sakin noon, di ko na sana ito binaon Kung kayang ibalik ang panahon nakinig na sana sa'yo noon (Chorus) Oh... Tanging nais ko'y mapatawad mo Sa nagawang kasalanan ko Tanging nais ko'y ang mayakap mo At sabihin mong mahal mo ako... Ang mag plano mo saki'y lumabo, tiwala mo saki'y naglaho Ang mga daliri nila sakin ay parang lagi na lang nakaturo Hindi na'ko makatayo, Ang ulo ko'y laging nakayuko Parang gusto kong sumuko di alam kung san patungo Kaya parang di ko na makaya bawat oras na parang wala na akong pag-asa Bawat sandaling hinahagilap ang ngiti sa bawat pagsapit ng umaga Damdaming nagbabaga, lungkot at pagdurusa Hanggang sa panaginip ay larawan ko ng pagkakamali ang nakikita Nang humawak na ako ng baril, hanggang sa kami'y madiskaril Ako'y naging sutil dahil lamang sa barya at papel Tawag nila sakin ay kriminal, ang turing sakin nila'y pusakal Patawarin mo sana ko inay, kung nadungisan ang ating dangal (Chorus) Oh... Tanging nais ko'y mapatawad mo Sa nagawang kasalanan ko Tanging nais ko'y ang mayakap mo At sabihin mong mahal mo ako... (REPEAT) At sa ngayon iyong maririnig, mga daing mula saking bibig Hawak ko ang rehas na malamig, sa gabi katawa'y nanginginig Parang ibon na di makalipad, mga pangarap na di natupad Lahat ng bagay aking hinangad,kabaitan na aking sinagad Kung kelan pa nagkasentensya, saka lang nakonsensya Sa lahat ng aking nadisgrasya,nasabi ko lang ay pasensya Kumapal na ang aking mukha, at tumayo lang kapag nadapa Takot sa puso ko ay nawala, kung madilim subukang mangapa Ngunit ngayon ay walang magawa kundi sa langit ay laging tumingala At sinubukan ko na maniwalang baka sakali na merong himala Hawak ang libro ng mga banal,pinilit ko na laging magdasal Paulit-ulit hanggang mautal, sabihin man na ako ay hangal (Chorus) Oh... Tanging nais ko'y mapatawad mo Sa nagawang kasalanan ko Tanging nais ko'y ang mayakap mo At sabihin mong mahal mo ako... (REPEAT)
On Playlists
Comments
Please sign up or log in to post a comment.