'GIRL' Eventhough you love somebody, im still here to love you, Beat arranged and Performed by: 'BuLoY' Hope You Like It, Tenks
Napagtripan lang tong song na to, kaya ginawan ko ng baet :)>- sensya na :)>-
Ang bilisBuhat ng Makita ka naglalakad sa may morayta
Ako’y nabighani sa taglay mong ganda
Nilapitan ka, sa paghangad na ika’y aking makilala
Ngunit ika’y parang bula bigla nalang nawala
Saan ka man magtungo ika’y aking hahanapin
Kahit na butas ng karayom ay aking papasukin
Matupad lang ang mithiin na ako’y iyong mapansin
Abot ang kasiyahan sa mga buwan at bituin
Sabihin man nila na ako sayo’y isang hangal
Sana nman ako ngaun ay pakinggan ng maykapal
At bigyan ng katuparan ang aking mga dasal
Na pagdating ng panahon ako na ang iyong mahal
Kailan ulit kaya kita muli pang makikita
At ng maamin kong ako sayo ay may paghanga
Ninanais na sana’y habang buhay kitang makakasama
CHORUS:
Kay tagal kitang hinanap upang ika’y makasama
Pagbabalik mo ang aking tanging ikasigsigla
At lubos na kasiyahan ang aking madarama
Nawa’y ang isang katulad mo’y lubusan kong makilala
Upang maipadama sayo ang tunay kong pagsinta
Wala akong pakialam kong may mahal ka ng iba
Eto parin ako umaasang ako sayo’y palarin
Magsisilbing tapat sayo ang puso ko’t damdamin
Bawat oras at minuto ako ay nananalangin
Na sana ang pag ibig mo’y tuluyan ng magiging akin
At ako sayo’y susumpang hinding hindi kita lolokohin
Habang buhay man akong magsisilbing iyong alipin
Handa akong gawin ang lahat ng iyong mithiiin
Pipiliting ibigay ang lahat ng iyong nanaisin
Girl wag na wag ka lang mawawala sa akin
CHORUS:
Hanggang kailan magtitiis ako sayo’y naiinip
Hanggang sa pagtulog ikaw ang aking panaginip
Sana’y malaman mong ako sayo’y nananabik
Ang puso kong ito ikaw lang tlaga ang iniibig
Ngunit ako’y nagulat na marinig ang isang balita
D ko lubos akalain na may mahal ka ng iba
Ngaun ay nagsisi, puso ko ay nagdurusa
Lahat ng pangarap ko ay nawalan na ng pag asa
Ano pa nga bang magagawa kung di ikaw ay palayain
Masakit man sa damdamin ito’y aking tatanggapin
Sana’y maging masaya ka ngaun sa kanyang piling
At d ka sasaktan, habang buhay ka nyang mamahalin
Kahit anong mangyari eto parin ako sa iyo
Naghihintay parin ako sa pagbabalik mo
Habang buhay Magmamahal,at magsisilbing tapat sa iyo