Hindi ko na kailangan pang sabihin kung gaano sya kahalaga
alam mo at nakikita mo, at labis mo tong nadarama
Sya ang buhay ko kaya wag na wag mong kukunin saakin
baka ligaya at pag asa ko mangyaring umikot lang sa hangin
Sya ang nagsisilbing liwanag sakin at sa madilim na daan
pag sya'y nawala hindi ko magagawan yan ng paraan
Wag ka ng magmakaawa sakin na iwanan sya para sayo
matutuklasan mo din 'sang araw na hindi pwede ang maging kayo
Mahal na mahal ko sya, kaya pls lumayo ka na
nakikiusap na ako kahit magmukha akong tanga
Sayo na ang kotse, pera, lupa at bahay ko wag lang sya
apak apakan mo pa ang pride ko sya pa rin nag iisa
Hindi ako susuko ipaglalaban ko kahit sayo
mag-away man tayo sya pa rin ang prioridad ko
isa lang ang inspirasyon ngunit, madami naman sayo
pag inagaw mo saakin ako mismo ang papatay sayo.