Diss and kdot
t(--,)
Nandito nanaman ako muling humahalek
Sa mikroponong inagaw ko, b*** wag kang sabek
Makupad man ang pag.akyat, estilo’y mabagsik
Patuloy bumubuhos habang sayo lang ay talsik
Lasapin mo na ang kasikatan iyong iyo na
Wala kong oras makipagplastikan sa iba
Bawat bigkas bawat bitaw ginagawa mong maskara
Binaon mong lihim na talento mo lang ay pagtula
Yung mikropono tanga ipaubaya mo sa iba
Magaling ka man sumulat o kaya’y tumugma
Pero kapag sinuri na, makapanghimutok ang labas
Mga tagasubaybay mo palihim na nga silang umaanas
Akma na lamang sayo maging isang adorno ng rap
Nakakairita kang bumigkas bakit hindi mo matanggap?
Samantalang ako mala-abaniko ang hibla
Ng mga salitang para sayo makapangamba
CHORUS:
Makinig ka ng mabuti bago ka magpahikayat
Pinapalipas na lang kahit walang angking bigat
Adaming lumalabas alibugha ka pang pumuri
Wag ka ng magpakatanga at matuto ka namang sumuri
Itong abakada ko magsisilbi tong alpabeto
Ng hinaing ko na ang basura sa rap, tuluyan ng maglaho
Bilog na ang mundo, at nagpabilog ka pa ng ulo
Bistado! Basura lang pala ang itinuring mong ginto
A – Abahin ko lang naman kayo
Ba – Bakas din ang aking liriko
Ka – kalawangin na ang estilo mo
Da – daganan ko ng walang pahinto
E – entrada ako sa mundo mo at
Ga – gawin ko ang lahat ng makakaya ko
Ha – hakutin ko lahat ng gantimpala
I – ipunin ko maging ano ang halaga
La – labanan lahat ng kritiko
Ma – mabutihin ko pa sa mikropono
Na – naisin ko na minsan umarangkada dahil
Pa – pabor rin sakin ang itinakda
Ra – rachada na ako wala ng preno
Sa - mga bersong isiniwalat ko ngayong paalpabeto
Ta – talunin ka sa paggawa ng liriko
Ya – yamutin ka lang sa pagkatalo
(Chorus)
Ya – yayain naman kitang makinig
Ta – tahimik lahat ng nakapaligid
Sa – sabihin ko sayo ang totoo
Ra – ragasa akong parang bagyo
Pa – palayain ko ang pag.iisip ng
Na – bibihag sa pagkakainip
Ma – madaliin ko na ang pagtuklas
La – lamunin ko sila ng paatras
I – tatapon kanilang basurang nagawa
Ha – hamunin lahat ng umapila
Ga – gamitan ng nagbabagang salita
E – eskapo silang parang mga bata
Da – dating din ang tamang panahong
Ka – kabahan ka rin hanggang mapaurong
Ba – babuyin ang huwad mong titulo
A – atake ako hanggang sa dulo
(Chorus)
At bago pa matapos ang kantang aking sinulat
Nais kong lahat ng nakinig tuluyan ng mamulat
Hindi lahat ng hinahain sa inyo karapatdapat
May nakakalamang meron naman yung sapat
Hindi lahat ng bagay talagang kapuri-puri
May mga katagang sadya talagang marurumi
Mga bitaw na pinahiran lamang ng kasinungalingan
Dinagdagan lang ng angas para lang malusutan
Kung iidolo ka siguraduhin mo ang galing
Hindi yung susuportahan mo, sa labas lang ang dating
Pumili ka ng magsisilbing inspirasyon mo
Hindi yung nakikisabay ka kung sino ang uso
Maraming ng magaling sa pagbitaw at pagbigkas
Kaya’t Wag kang manatili sa isang patalastas
Mabagsik ang kompetsiyon sa mundo ng balagtasan
hamunin ang sarili nang makipagsabayan
Itigil na ang imahinsayon, ilusyon at delusyon
Sa larangan na patuloy ang ebolusyon
At bago pa magwakas ang huling bersikulo
Sa pagbuhos ng talino at nahubog ng talento
Ladeeruzkha ang pangalan at walang pakundangang
Lalagaslas sa pagbunsod para sa lahat ng nag-abang Yeah